Huwebes, Disyembre 20, 2012
Pagbabalik sa isang "KULTO"
Ewan isang libong araw na ata nung huli ako sumulat at di ko
na makita ang mga papel na pinagsulatan ko na dapat eh ipopost
ko para sa blog na to.
Napabayaan ko na nga to, pag log ko sabi sa kin eh
" Who the hell are you?"
"uhmm Rikko" tugon ko
"You're back you effing ingrate!!!" reply nya sa kin
Nabigla ako, kasi parang nagalit sya sa akin. Parang
girlfriend na galit na galit dahil pagkatapos mawala ng saglit na
walang text o tawag man lang, bigla na lang babalik.
Sagot ko "Naging busy lang ako, tsaka di ko na makita yung
dapat ko isusulat."
"Go to hell, You just used me. who's the one when you...
Aah darn it Rikko you bastard!!! Wanna taste my Kung-Fu"
sabi ng blog ko
Napatawa naman ako dun, kahit galit na nag papatawa pa din sya.
"No my MASTER your Kung-Fu is better than mine.
I'm still a NOVICE and a BASTARD" wika ko.
" Ef-U" sabi sa kin.
Putsa kala ko okay na minura pa ko. Eh, napikon na ko pakipot
pa. Click enter ko nga ayun naka log naman ako. Sinabi ko na
lang "Wag ka mag alala bubusugin uli kita".
Kaya eto na sya ngaun, isang merienda para sa blog ko na
matagal ng gutom sa masasabi kong kalikutan ng aking utak, mga
puna sa mga nakapaligid sa kin, kritiko ng mga bagay-bagay,
manlalait ng makamundong pananaw at mga pang uuyam sa mga kupal
na makakasalamuha ko sa kasalukuyan at sa darating na panahon.
So habang nag papakain muna ko eto muna ang isang video na astig
at mapapaindak kayo kahit papaano. hehehe
ENJOY
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento