Biyernes, Enero 20, 2012

Pamatay na Umpisa

Sabi nila dapat para mabasa ng madami ang blog mo eh dapat pamatay ang mga "introduction" mo kaya gagawa ako ng pamatay na introduction.
Pwedeng masabi na nakikiuso ako kasi pwede ako kumita dito tulad ng paglalagay ng ads at kung ano ano pang kalokohan para kumita. Napaisip ako ano kaya magawa sa blog na to tungkol ba sa porn to (inuna agad ang porn hehe),  musika o pelikula (baka ma shutdown pag to ginawa ko sayang oras sa upload hehe), sa pagkain (masarap sana kung libre), sa pag gala (magastos to hehe) at sandamukal na kung ano ano pa. Pero napaisip ako t biglang may nag lumabas na malaking ilaw sa utak ko na bat di kaya labo labo na lang para masaya hehe yun eh kung sisipagin ako...
Pasensya na din king tagalog hehe tinatamad ako mag ENGLISH tsaka mas madali intindihin pag TAGALOG.
Ewan sabihin na nating nakikiuso ako pero wala eh gusto ko sana ilabas mga umaapaw na ideya sa utak kong minsang gamitin, mga pamatay na kakornihan at mga sandamukal na kumento sa nakikita ng malikot kong mata at matalas kong pandinig (lahat sahod na parang embudo).
Sa ngayon tama na to baka tamarin na bumasa at wala ng mgfollow hehe baka palo makuha ko hehe...Pag pasensyahan nyo na kung madaming typo kasi di naman talaga ako manunulat subok lang to eh hehe pag tagal tagal ay gagaling din ako. Basta dahan dahan lang sa koment at baka mamura  ko kayo pag nainis ako biro lang hehe...
Yun ayoko na basta...



WELCOME SA TOTLESTOTS

1 komento:

  1. noon pa naman mahilig ka na magsulat.. mas maganda pa nga dito at least marmi nang makakabasa hindi na siya maiipon sa pinaglumaang notebook nun elem at hiskul o natirang cattleya nun college hehe!

    TumugonBurahin