Kala ko sa sports lang my game fixing pero kahit din pala sa trabaho meron din...
Pero teka di ako magbabangit ng pangalan kung sino at saan yan (pero pagpinilit nyo ko gagawin ko hehe)...
Dati may nakulong at nahuli sa Pinas ng game fixing sa UAAP ata yun yung alam mong magaling biglang mawawala yung galing papatalo yung laro di naman siguro kabado yun tulad ni James Lebron na pag 4th quarter ubos na kuko kaka ngatngat sensya na sa fans nya ha.
Ngaun nakaranas ako ng "fixing" sa pinagtatrabahuhan ko. Ganito kasi yun nag open sila ng isang posisyon na hindi mo pwedeng babalewalain dahil syempre malaking sweldo yun di ka na nakatapat sa computer at suot mo ang headset mo maghapon o magdamag at syempre ang walang humpay na gala at unlimited breaks at may chance ka pa mang away o paginitan ang mga taong masakit sa mata mo nuon pa hahaha... At yun dami nag apply sa mga kabatak natin dyan at syempre nakigulo ako nak ng tagal ko na dun bat di ko kakagatin yun kaya ako paprint ng curriculum vitae (para sosyal) pirmahan at pinasa agad.
Tulad ng nag aapply may proseso na dapat sundan yan di antay ako ng tawag para sa interview eh maguuwian na eh di pa kami tinatawag ng 15 minutes na lang biglang lumabas ang mga pangalan na nung sinaunang panahon pa na iset para sa nakatadhanang posisyon daw at biglang nagunaw ang pagasa nung IBA hahaha...
Di ako naapektuhan sa di pag tawag sa kin dahil alam ko na nga mangyayari at nasa hangin na sa loob ng buong kumpanya na ganyan mangyayari pag umutot ka nga lalabas na pangalang ng mga yan. Kaya ako nakigulo sabi ko kung maiinterview ako kalokohan lang sasagot ko magpapatawa lang ako magpapakapagod pa ko kakaisip ng itatanong nila para lang ako nakikipag lokohan o plastikan sa dati mo nang nakasuntukan o nakaaway at bigla kayo mag kukuwentuhan.
Sa bawat istorya o pelikula sa likod nyan eh isang napakagaling na akda at direktor at masasabi ko dito ay nakahanda na to napili na ng taong nagpakana ng moro moro. Napaisip ako baka asa blood line nila ang politika sadyang napakagaling nya na manipula nya ang isang sagradong pagkakataon (naks) ng ganun ganun lang na naayon sa kanyang kagustuhan. Naalala ko uloy yung sa libro ni J.R.R. Tolkien na Lord of the Rings dun sa part na yung hari ng Rohan na si Theoden na inuulukan ni Wormtongue na patakbo ni Saruman ang Rohan dahil sa kanya... Expanding thy evil's strength.
Sa sobrang ganda ng pelikula malamang matagal na dito makakalimutan ng mga taong nakapalibot at nahahawakan nya sobrang ganda ng pagkakagawa baga A Perfect Heist isang pagnanakaw ng tiwala para sa kanyang kapakanan.
Di naman masama loob ko dahil di ako kinuha siguro nga walang bango pangalan ko pero tahasan kong sasabihin mas mabaho ka pa sa isang patay na daga na nakadikit sa isang malagkit na pang huli ng langaw.
Siguro nga nagkamali lang ako o isang espikulasyon ko lang to bat di ko maghanap ng isa pang kwento baka maliwanagan ako baka mali ako pero yun eh kung mababago ang paniniwala ko kasi 95 percent eh na may fixing na nangyari pero baka pag narinig ko ang isa nila kwento baka madagdagan pababa o pataas dapat galingan nila sa pagkwento hahaha Kaya abangan nyo na lang ang post ko pag may kasunod pa hehe... Basta ayusin nyo na lang trabaho nyo para mayabangan nyo kami na nagkamali ako o kami sa paniniwala namin...
Panapos aminin ko kahit papano naglaro din naman utak ko sa posisyon na yun hehe kaya un tapos na pag kulang pa at may naisip ako edit ko na lang hehe
Good Karma
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento