May mga pangyayari lang talaga na di natin maiiwasan mapaisip kahit gano tayo mag pilit minsan di talaga natutuloy siguro tama nga yung kasabihan na "pag di uukol, di bubukol" medyo makaluma to pero sa nabasa ko sa blog (wala ko permiso hehe)na to "Kung uutot, babantot" hehe astig no! bersyon ko naman nyan eh "Pag di aari, may gumago" hehe rakenrol.
Pero minsan nakakasawa talaga yung paulit ulit na pang yayari na yan. Buwisit talaga yang mga ganyan sakit sa ulo. Yung akala mo sayo na pero di pala dahil pinaasa ka lang dahil akala mo "QUALIFIED" ka yun pala parang ginawa ka BUTAW yung mga ganung bagay o kaya may inaantay ka bagay pero nung malapit na dumating eh di pala pwede mabili kasi pwedeng out of stock na o out of stock na din ang pera mo kasi nagkaron ng malaking pagkakagulo sa pinansyal na aspeto na di mo maintindihan sa mga tagatuos ng pinagpaguran mo mga malaking "BUSET" ang mga ganun.
Gang ngayon masakit pa rin bagang ko dahil sa sobrang pigil at pang gigigil sa mga pang yayari na pwedeng masabing gaguhan na hehe. Hay (malalim na buntong hininga) na lang ang sagot sa lahat kahit "SILA" di nila maipaliwanag kung bakit nagka ganun ang mga nangyari sa pera namin hay wala ka MASISI dahil sa ayaw nila AMININ nila ang pagkakamali nila o nilayasan na sila at kami ng mga dating taga kuwenta. Isa pa uling malalim na HAY!!!
Sana sa dadating na bigayan ng pera ay maayus na ang kapalpakan at ng MAKAPAGBAYAD na ko ng INUTANGAN ko kasi PAPATAYIN na nila ko kasi dami na nila lagi na nakasara pintuan namin dahil ayaw ko malaman na may tao sa bahay. Pati mga aso, ahas, gorilla, oso, baboy damo lahat na mababangis na ANIMAL andun sa harapan ng bahay namin para wala na mag tangka lumapit minsan nga gusto ko kunin lagay ang isang TAO dun sa harapan namin para pag nag salita yung may "SUMPA" na kasama parang si GANDALF lang sisigaw na "YOU SHALL NOT PASS" lupet nun hehe
Pero tama na yan nakakapagod na SCENARIO na yan hay tingin ko di na matatapos yan parang isang malupet na "cliche" na lang sa trabaho yan minsan kahit gano na ka stress at gano ka toxic ang isang work place minsan kelangan natin ng breather para kahit papano mawala yang mga malalaking issue na yan kahit papaano kahit pagbalik mo eh andyan pa din haharapin mo hehe...
Buti na lang pinayagan ako magkaron ng 4 na araw na bakasyon kahit mukhang malaking counter punch kay Junior "Cigano" dos Santos ang ginawa ko eh nakalusot kaso hanapan ko ng cover ayus lang hanap ako mabuti na lang madami mabait na pumayag at napatunayan ko na MABAIT pala ako.
MARAMING SALAMAT PO
PALAWAN astig eto na kami mapupuntahan ko na din to
ewan ko kung san yan Honda Bay ata yan (eh di ko talaga alam eh eheh) pati dito puntahan namin ang sikat na Baker's Hill
at madami pang iba hay pahinga at last hehe...
Kaya sa susunod na lang ang mga ibang detalye sa bisita namin sa Palawan hehe... astig
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento