Mga pinag sama samang ideya, puna, at mga katikalan.
DISMAYA 1
Minsan nung ako ay subsob sa trabaho ng biglang lumapit ang workforce para magtanung kung may gusto mag OT.
Hay minsan nakakarindi na rin minsan pag nagtatanung ng "please post shift ka naman 1 hour o 30 minutes lang" yan ang pinaka pamatay na pick up lines baga nila.
Yung iba nag bingi bingihan, yung iba nakuha sa tingin, yung iba walang patumpik tumpik pa oo na agad.
Naalala ko tuloy nung nag aapply ako lalo na sa interview na kung willing ba ko mag render ng OT at ng RDOT, syempre sagot ko na may yabang OO naman ako pa hehe malamang ganun din ang mga sagot ng iba na nag aaply din.
Ang pinatataka ko nung natanggap na eh parang naging iba na aba't ayaw na mag OT parang asan na yung yabang na sinasabi nung interview na "Yes Ma'am" daig pa kaming matatagal kung makatanggi.
Nung bago pa lang ako, mayabang ako minsan nag OT ako kahit di pilitin,kahit minsan di ko na tanda pag dating ng suweldo kung napasama nga yung OT ko o hindi.
Ang punto ko eh pagbago ka pa eh magpakitang gilas ka muna patunayan mo muna na yung sinabi mo sa nag interview sayo, di yung sabi mo na "pass muna". Halos araw araw yun ang sagot, hay tsaka ka na tumanggi pag astig ka na at medyo matagal ka na di yung pakita mo gad kulay mo.
Tamad ako pero lam ko responsibilidad ko hehe...
Naalala ko tuloy uli yung tanung sa kin nung interview ko
"If i hire you right now and a good company offers you a
good salary than ours, are you gonna accept that or you'll stay with us?" parang ganun, sagot ko "My loyalty stays first with the one who hires me and it may last if they pay me back all the loyalty that i've given to them" naks naman pero mukhang di bumalik eh hehehe
Puna 2
Tuwing umaga pag papasok ako lagi ako may nakikita na mga matatanda, may ibang di gano katandaan na naka pang exercise o pang aerobics o pilates na kasuotan ah basta ganun.
Habang sa pagmamasid ko araw
araw (kasi dun lang ako nadaan) nalaman ko kung san sila papunta, may session pala sila sa isang parang pribadong lugar, ito isang park na kung tingnan ay mukhang
tahimik kahit malapit to sa daanan ng maiingay na sasakyan at mga trak.
Sa konting tyaga nakita ko din yung sesyon at dahilan kung bakit sila nakasuot ng ganun, may isa palang parang free class o may bayad na ehersisyo para sa kanila o parang proyekto ng lokal na baranggay para dun sa mga health
conscious, mga health buff, mga na stroke at marami pang iba.
Astig nga eh may
instructor pa sila at may sounds pa sila dun na sadyang mapapaindak ka. Napansin ko madami din sila sa
sesyon na yun, araw araw yun. Napuna lang ng kulot kong isip (kaya
siguro kulot buhok gawa dun) eh mag pro health/life sila sa isang lugar o
parke para sa mga patay!
Siguro pwede naman maghanap ng alternatibong lugar para sa kanilang aktibidad tulad ng subdibisyon o isang malawak na lugar na bakante na pwede nila pag eksersisyuhan.
Ewan din baka yun lang ang lugar na pwede at sabagay parke din naman yun kaso parke sa mga patay.
Ah ewan!
Natawa na nga lang ako kasi minsan nakita ko sumasayaw sila na parang yung sayaw sa music video ni Michael Jackson na "THRILLER". Baka sa lakas
ng tugtog nila eh bigla mabuhay ang mga nakalibing dun at makisayaw o makiehersisyo din sa kanila.
Ewan di ko talaga magets!
YAMOT 3
Kaya nga tayo napunta sa beach para purihin ang magandang lugar,
namnamin ang hangin na sariwa, yakapin ang init ng araw at haplusin ang alon ng dagat hanggang may dumampi na tubig dagat sa ating mga labi na
medyo kaalatan.
Bat ka magtitigil lang sa isang lugar na malilim at hintayin mong matakluban ng ulap ang araw o maghapon na para makapag tampisaw.
Isa uling malaking EWAN, wala ko pakelam kung mangitim ako kahit dina ko gumamit ng
sunblock. Ang mahalaga naenjoy ko naman ang araw, ang lugar, at kapayapaan dala ng alon ng dagat.
Wala lang, sabagay di naman ako artista at model o panggap na artista at model hehe.
SALAMAT 4
Tagal ko na din di nakagawa ng blog sa kadahilanang sobrang dami umuukupa sa oras ko hehe... Kaya naisipan ko gumawa ng pinag sama samang "KATIKALAN".
Salamat nga pala sa mga sumusubaybay sa kin kahit papaano madami naman bumabasa ng mga kalokohan ko katulad nila boy TV5 AKA Tubid , Kuya Tonipet, Kababata, (by special request yang 3 na yan hehe) Sir Idol (na lagi nagtatanung kung may bago hehe), Ms No R (may request pa) yung nag follow gamit Google Plus tulad nila gibs, dyosa, utol. tatlo pa lang sila heheh at sa maraming pang iba malaking SALAMAT!!!
Next topic My trip to Palawan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento