Umistayl 1
Nung March 4 nag desisido ako na putulin ang aking mahabang kulot na buhok, kaya eto ang top 10 dahilan kung bakit ako nag pagupit
10. mainit na sa batok
9. wala na pambili ng shampoo at conditioner
8. nalagyan ng bubble gum
7. nainggit sa buhok ni Ely Buendia
6. pwedeng nagsawa na
5. naisipang baka mas lalo ako kumisig pag nag pagupit
4. tinamad na
3. nahihilo na masyado sa spinning headbang sa harap ng salamin habang nakikinig sa metal na musika
2. tumataas na ang hair line dahil sa kakapuyod nababanat
1. ginaya ang buhok ng isang sikat na italyanong pornstar sa bida ng sikat na Tarzan X
Kahit maiksi na buhok ko metal pa din ako "MABUHAY ang mga METAL" hehe
Musika 2
Malapit na ilabas na ng isa sa paborito kong banda ang The Mars Volta ang bago nilang album na Noctourniquet pagkatapos ng matagal na hiatus natapos na ang paghihintay ng mga fans nila kasama na ko dun.
Ano ba masasabi ko dito sa album nila ngayun hmmm... una ko napansin nawala na ang mahahabang kanta tulad nung nasa unang 2 na album yung De-loused at Frances the Mute na minsan umaabot ng ilang minuto sa haba pero astig talaga ang tugtugan. Di gano mabigat ang gitara siguro talagang nag evolve na sila Omar at Cedric (tropa ko sila) yung sa Octahedron medyo parang acoustic sobrang gaan pero swabe. Katulad din eto ng bago nila minsan nga may isang kanta (the malkin jewel) na akala ko guest si Mick Jagger hehe.
Siguro pag fan ka ng isang banda kahit ano ilabas kahit medyo eksperimento magugustuhan mo. Ako sa kin panalo sa kin bago nila album na Noctorniquet.
Teka san ba galing ang The Mars Volta sila ay galing sa banda na At the Drive In na nag pasikat na madaming kanta tulad ng one armed scissor nung nag disband sila nabuo ang dalawang banda na Sparta at The Mars Volta yun pwede nyo din sila puntahan sa link na to
http://www.myspace.com/themarsvolta
http://en.wikipedia.org/wiki/The_Mars_Volta
Malapit na at nailabas na 3
Dami nating inaabangan mapa musika, pelikula, syota, jeep (kahit strike) tumaas ang sahod (sana) atbp. Mas inaabangan ko ang mga nasa pelikula at musika.
Pelikula
AMERICAN PIE REUNION
Tagal ko na gusto matuloy to at salamat ginawa din nila. Makikita ko na uli ang band chick at anak ng legend at syempre the stifmeister, rakenrol. Astig April 6 papalabas.
avengers
Astig to siguro eto ang magpapahina sa xmen kaw ba naman pinagsama sama si captain america iron man hulk thor na nung ginawang pelikula ay kumita ng malaki sa takilya. Ganda talaga ni scarlett johanson na sa ironman lang ako nagandahan sa kanya lalo na may nag leak na pics nya hehe.
The Dark Knight Rises
Wala ako masabi dito kundi antayin na lang palabas to. Idol talaga si Christopher Nolan
spiderman
Di ako ineteresado dito hehe
Musika
Cannibal corpse at last nalabas na bago nila album pagkatapos din ng matagal na panahon title pa lang ng album panalo Torture. Pakinggan nyo na lang hehe
Gorod technical death metal galing sa France huli ko pakinig sa kanila eh yung EP na transendence na yung iba remake at panalo yung instrumental na acoustic astig talaga. Di ko pa napapakingan bago nila album
lamb of god masasabi ko eksperimento pero wala tumatak sa isip ko na pwede patugtugin ng madami sa mp3 player. Sorry sa mga fans
crosses side project ni deftones head chino moreno medyo matagal na pero ngayun ko lang napansin. Medyo ambient at shoegaze tong banda na to nakakatuyo ng utak iba sa banda nyang deftones. Pwede rin pareho sila ng tunog sa isa nya side project ang team sleep na nagpatuyo din sa utak ko ng matagal hehe
Meshuggah
Kelan pa huli nila album? tagal na din inilabas ang Obzen na may kantang combustion, bleed madami pa. Teka sino ba tong meshuggah nato ha? di nyo sila kilala? sila ang nagpasikat at ama ng math metal o djent na ginawang mathcore para sa mahilig pagsamahin ang hardcore at iba pa. Napakinggan ko na 2 sa track ng bago nila na album na pinamagatang Koloss. Masasabi ko wag na nila ko pasabikin, mahal ang pre order kasi kaya di ako makapagpareserve pero pag labas neto siguradong sold out to lalo na sa mahihilig sa metal na musika.
gojira pranses na death prog metal tagal na nila sabi sa page nila na ilalabas na album nila kaso ang tagal pa ilabas hay kainip.
Sahod hehe sana dumating na tumaas at maayos ang lam na hehe
Pantasya 4
Mag papasko busy ang lahat sa pamimili ng mga regalo at damit o gamit na bago para sa dadating na kasiyahan na buong mundo ang magdidiwang.
Pamatay ang trapik, dami ng tao, daming mangungupit, daming mura marami ding mahal kahit sale na.
Mga alas nuwebe siguro nung naisipang umuwi namin ng aking espesyal samwan mula sa maghapong paghahanap, pagpila sa cashier, at tpagbuha ng pinamili. Simula nung nawala na terminal sa may likod ng Landmark dun na kami sumasakay sa may ilalim ng terminal ng mrt sa mag goldilocks. Ang nakakasama ng loob eh kahit nakapila kami eh puno talaga yung mga bus na dumadaan hanggang maubusan kami neto. Uumagahin kami kung magaantay lang kami dun kaya sinalubong nanamin ang bus bago pa to makarating sa dapat nya tigilan at suwerte nakasakay na kami papuntang Pacita.
Sa sobrang pagod namin nakatulog kami di na namalayan bababa na pala kami. Pagbaba namin sa bus sumakay na kami ng jeep pa Cabuyao.
Habang binabagtas namin ang kahabaan ng daan tumigil ang jeep sa Olivarez para pasakayin ang nag aabang na pasahero. Laking gulat ko ng sumakay ang 2 babae na masasabi kong uber hot, mukha galing sila sa isang outing kung san man dahil sa laki ng bag na dala nila. Yung isa matangkad na unat at maiksi na buhok yung isa mahaba at medyo kulot ang buhok ang pinagkapareho lang ng suot nila ay pareho silang naka pekpek short ba yun. Kagat sa daliri dahil astig nila hehe habang umaandar na yung jeep siguro nasa may Perpetual na yun ng napalingon ako sa dalawa nakita ko magka holding hands sila at nakahilig ang ulo. Shit! sabay kagat sa daliri.
Ewan kung ano man ibig sabihin nun pero sa iba makakita nun iba din iisipin siguro sa ibang tao at pananaw nila hehe.
Habang lumalayo kami at lumalalim na din ang gabi nagulat na lang ang lahat na sakay ng jeep ng biglang pumereno ito at nadala lahat sa may dulo ng nakita ko yung isa sa babae na kaharap ko ay nadala at napabukaka dahil sa lakas ng preno ng may napansin ako na parang puti sa bandang laylayan ng kanyang maiksing shorts (di ko lam tawag dun)
Hmmm ano kaya yun liner o kaya wings ng napkin o tampon o bulsa. Ewan kung ano man yun basta natawa lang ako... Bumaba sila sa may rotonda sa Platero at habang lumalayo na kami napaisip ako may video kaya sila...
PILYO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento