Martes, Abril 17, 2012

Putsa! Tapos na to!


 Pamagat pa lang pamatay na. Pero totoo tapos na, wala na, huli na. Teka ang alin ba ang huli, wala, tapos na pinag sasasabi ko. Malungkot mang isipin eto na ang huling taon ko na kasama ang mga araw sa "kalendaryo". Pag dating ng 2013 obsolete, out dated, gone with the fart na ko, kasi iba na eh plus 1 na wala na, inusod na eh. Pero pwede pa din naman tumagal kasama ang mga bilang sa kalendaryo yun eh pag may nagtanung sa yo na kung ilang taon ka na. 
       
            Ano bang meron talaga? 

 Pinanganak ako ng Abril 18 syempre ng aking ina na si Aling Ate Aud at sa tulong ng aking ama na si Mang Eric Benz kasama ang mga maligno at iba pang lamang lupa ang sumaksi sa aking paglabas sa mundo ng kabaliwan. Sobrang tuwa nila siguro nun dahil at kauna unahan at kaisa isahang lalake kaya yun basta...

 Handaan, inuman, tawanan, kantahan pa yan minsan nararanasan ko pag birthday ko pero pag yan eh napaghandaan ko maigi, pero pag tag alat, wala talaga mailalabas, minsan di ka pa papayagan mag bakasyon dahil ewan di daw importante masyado ang birthday? Ano?! mga ulul lang ang nagiisip ng ganun hehe ka abnoyan. Pagpumasok ba ko double pay ba ko nun tulad ng mga birthday ng bayani o ng mga santo. Mag kakaroon ba ko ng discount sa canteen para sa pagkain kong kakainin. Hindi!!!. Siguro maganda sanang prebilihiyo na double pay ka pag pumasok ka sa birthday mo o pwede ka mag leave o di pumasok kahit di na magpaalam o may libreng lobo at party hat may clown at free access sa kwarto na manunuod ka lang ng mga pelikula di ka magtatrabaho. Sweet!!!

 Sabi ng dati kong boss wag daw mag alala pag lumabas na sa kalendaryo, may hueteng pa naman na hanggang 38, ayus, pag lumampas na dun may bingo pa. Pag tanda talaga di mo maiiwasan pwede mo mapabata mukha mo pero edad hindi mas nakakatakot kung papaliitin mo boses mo tapos laki mong mama tulad nung nasaksihan ko nung isang araw parang may sapi ng kung sino man. Minsan psychological na lang ang pagtanda, WAG ISIPIN NA MATANDA KA NA yun ang isa siguro ang magandang gawin para makalimutan ang paglipas ng panahon. Pati sa pagporma pwede ka pa din sumunod sa uso pero kung dati kang hip hop tapos 66 years old ko na siguro naman di na bagay sayo ang maluluwang na damit dahil baka lalo  ka na makuba dun. Umayon lang sa edad para astig at cool tsaka heartthrob pa rin.

 Di naman natin kelangan ng regalo sa birthday natin pero mas astig kung meron syempre pambawi man lang sa pinakain at pinainom mo sa inimbitahan mo hehe... Pero nung nakaraang taon naka tanggap ako ng regalo na kinatuwa ko naman ng binigyan ako ng card na gawa ng dalawa kong supling di ko mascan dahil copyright protected na agad, baka magkakaso pa ko...

 Enjoyin na lang ang araw at para sa mga mag bibirthday ngaung araw na to at sa kin 

       HAPPY BIRTHDAY PAKERS!!!





   Happy Birthday
       You're gonna die


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento