Sabado, Enero 28, 2012

HINDI ITO PROPAGANDA O KUNG ANUMAN

   Minsan yung ga ganitong istayl ng pagsusulat ay pinagiispang isang masamang propaganda laban sa isang tao, kumpanya o kung ano o sino pa man yan.
   Ang ganitong klase ay isang paglalabas ng sama ng loob isang matalinong paraan kesa makipag suntukan (di bale kung bayad ang suntukan na yun parang boxing o MMA asa TV pa) o makipag debate na minsan ay walang pinatutunguhan na may parehong magkaibang idolohiya, kitid ng unawa, at saradong utak.
  Nakakapagod talaga mag trabaho lalo nat nasa isang kapaligiran ka ng masasama ang loob at lumalaking at umuusbong na institusyon na ang kapalit ay malaking sakripisyo sa tumutulong itong lumago.
  Subalit sa kabilang banda may naisip ako bat puro mga negatibo ang papasok sa isipan mo mag isip o magbasa tayo ng konting posetibo baga (naks) kaya naisipan kong gumawa ng listahan ng isang nakakatuwang kalupitan na naangkop sa panahon na to...
  

  Boy Pick Up sinong di nakakakilala sa kanya pick up lines pa lang nyan iisipin mo na kung ano yun at laglag agad pustiso ng makakarinig nun pero yung listahan ko ay di mga pick up lines na nauuso ngayon eto ang listahan ko ng "PAPANSIN TIPS PARA SA TSIKS". Nainspired ako gumawa neto dahil sa mga obserbasyon ko sa mga nakikita ko hehe at eto na...

        PAPANSIN TIPS PARA SA TSIKS

1. Tanung kung ano oras na.
   - hehe para sa kin to ang pinaka mabisang paraan para         mkapagpapansin kahit may relo ka na at screen saver mo sa cellphone ay isang malaking digital clock hehe

2. San nag aaral, nakatira at nagtatrabaho.
   - Self explanatory

3. Kung may kakilala silang ganito o ganyan kahit imbento lang ang mga pangalan
   - Kapatid to nung number 2 parang kambal yan

4.   Mag laro ng kung ano ano at magkunwaring may nagawang kakaiba at mapasigaw ng " galing" , "astig" , "panalo" " lupet" atbp.
   - Ewan nakita ko lang yan sa katapat ko nung...  di ko na tanda

5.   Magkuwento ng konting nakakatakot tungkol kay Jun Jun o kaya kay Emang.
       - Kwento mo na mga naimbentong experience mo kunwari sa mga multo yung parang "Paranormal Activity". nakita mong nagpaparty mga multo o kaya gumagawa sila Jun Jun at Emang ng scandal sa banyo.

6.   Biglang mapamura ng malakas at malutong na Puuuutang eeeenah!!!
   - Pwede ding ibat ibang mura sa iba't ibang dialect Kinam, Pestengyawa (di ko lam kung tama) o kaya kung gusto mo parang inter racial ay national pala hehe pwede ding Fuck, Shit, Damn, Chival para sosyal.


7.   Humingi ng alkohol.
   - Self explanatory


8.   Ma curious kunwari sa feats ng tsiks.
   - Tanung mo bigla may nunal ka pala sa loob ng mata, yung goatee nya panu tumubo yung mga ganung malulupet na tanong.


9.   Magdrawing ng kung ano ano.
   - Dapat todo bigay ka sa drawing mo lasama mga shadings at kung ano ano pa para mapa astig ang drawing mo sabayan mo pa ng tingin mo sa katabi mo tapos drawing uli gang mapansin ka.


10.  Magkunwaring magician.
   - Subok na to ng kapatid ko sa ibang ina (tagalog version ng alam nyo na yun) yung mga magic na putol daliri, putol dila, putol ulo, putol t_t_ o kaya kuha ng malaking kuto o garapata sa tenga mga ganung magic.


  Babala yung iba dito ay maaring pumalpak at di gumana sa inyo kaya wag nyo ko sisihin. Pag di gumana to may plan B pa naman yun eh ang pag gamit ng mala out of this world na pick up line ni Boy Pick Up at kung ano ano pa mala Hitch moves o Stifler na diskarte. Kung may suhestyon kayo magpost lang kayo sa comment.




   Eto ay isang guidelines at di propaganda o kung anuman
     

Linggo, Enero 22, 2012

iPhoneography



iPhoneography isa to sa kinahiligan ko bago ko mag hiatus sa hobby na to.
Bakit ako nahiatus dahil basta hehe...
Isa munang munting history at konting kaalaman para sa lahat sa pagkakatanda ko ng lumabas ang iPhone 2 ata yung may camera may ibang malilikot ang isip na simulan kumuha ng litrato gamit ang iPhone na 2mp lang at yun nagboom ang ganitong craft naglabasan ang magagaling na artist tulad ng hinahangaan ko ngayun na sobra namang galing walang wala sa ginawa ko...
Mahirap ipost gawa nila dahil di naman sa kin yun at kelangan ko pa humingi ng permiso para ilagay dito...


Di nagtagal nag improve ang iPhone umabot sa kahanga hangang 8mp na astig para sa isang cellphone. Biruin mo kung gano ka clear at crisp nang bawat imahe makukuha mo gamit to at di lang yun ang daming malulupet na developer na gumawa ng PHOTO EDITING apps na mabibili sa iTunes at iba dito ay sobrang astig sobrang lupet at sobrang rakenrol.



May iba naman gumawa ng mga CAMERA apps na parang SLR, Lomo, Polaroid at ano pang camera ang naimbento pati VIDEO apps tulad ng Super 8 galing di ba.
Mapapansin nyo sa mga nakalagay na pictures ay parang PHOTOSHOP mali lahat yan at gawa sa iPhone/iTouch/iPad gamit ka lang ng mga ibat ibang photo editing apps na may ibat ibang filters na pwede mong ilagay parang photoshop na nasa kamay mo lang lupet...


May mga apps din na mga libre na retro like camera na pwede mo pa ishare yung nakuha mo para mayabang tulad ng Instagram (free) Hipstamatic Disposable (free) LemeLeme (free) at madami pang iba...







Sa totoo lang di mo kelangan maging isang propesyonal na litratista o umatend ng seminar basta lam mo lang ang basic na pagkuha at konting kalikot sa photo editing apps ayun isang magandang litrato basta nagustuhan mo kinalabasan panalo na yan hehe...







Kagandahan lang sa pagamit ng iPhone/iTouch/iPad eh di mo na kelangan ng malaking camera tulad ng SLR at mga lens lalo na yung mga stolen shots para kang espiya pag gamit mo yung malalaking camera baka mapaaway ka pa dun oo maganda kakalabasan ng pictures may black eye ka naman malamang sira pa mamahalin mong camera di tulad ng iPhone/iTouch kahit pasimple lang kahit wala sa sentro madali na yun basta sa editing lang idaan.  Sabi sa mga blogs at site na sinusundan ko about iPhoneography don't think just shoot idea lang at konting arte lang solve na.






Sa dami kong sinalihan na site para ipakita gawa ko pinalad naman akong mapasama 2 sa ginawa ko sa isang International site (Eyeem) at isa dyan ay nasa ibabaw at isa ay nasa baba...
 Sabi ko putsa tagal ko na gumagawa salamat na pakita din ginawa ko hehehe...may iba din namang pumuri sa gawa ko pero di pa din ako napasama kahit maging artist of the day hehe...



Kaya kung may iPhone/iTouch/iPad ka paganahin ang imahinasyon at maging isa na ding iPhoneography para astig ka din katulad ko... kuha lang ng kuha edit lang ng edit




Biyernes, Enero 20, 2012

Mockery of Justice

Naks naman title pa lang ng post panalo na hahaha...
Kala ko sa sports lang my game fixing pero kahit din pala sa trabaho meron din...
Pero teka di ako magbabangit ng pangalan kung sino at saan yan (pero pagpinilit nyo ko gagawin ko hehe)...
Dati may nakulong at nahuli sa Pinas ng game fixing sa UAAP ata yun yung alam mong magaling biglang mawawala yung galing papatalo yung laro di naman siguro kabado yun tulad ni James Lebron na pag 4th quarter ubos na kuko kaka ngatngat sensya na sa fans nya ha.
Ngaun nakaranas ako ng "fixing" sa pinagtatrabahuhan ko. Ganito kasi yun nag open sila ng isang posisyon na hindi mo pwedeng babalewalain dahil syempre malaking sweldo yun di ka na nakatapat sa computer at suot mo ang headset mo maghapon o magdamag at syempre ang walang humpay na gala at unlimited breaks at may chance ka pa mang away o paginitan ang mga taong masakit sa mata mo nuon pa hahaha... At yun dami nag apply sa mga kabatak natin dyan at syempre nakigulo ako nak ng tagal ko na dun bat di ko kakagatin yun kaya ako paprint ng curriculum vitae (para sosyal) pirmahan at pinasa agad.
Tulad ng nag aapply may proseso na dapat sundan yan di antay ako ng tawag para sa interview eh maguuwian na eh di pa kami tinatawag ng 15 minutes na lang biglang lumabas ang mga pangalan na nung sinaunang panahon pa na iset para sa nakatadhanang posisyon daw at biglang nagunaw ang pagasa nung IBA hahaha...
Di ako naapektuhan sa di pag tawag sa kin dahil alam ko na nga mangyayari at nasa hangin na sa loob ng buong kumpanya na ganyan mangyayari pag umutot ka nga lalabas na pangalang ng mga yan. Kaya ako nakigulo sabi ko kung maiinterview ako kalokohan lang sasagot ko magpapatawa lang ako magpapakapagod pa ko kakaisip ng itatanong nila para lang ako nakikipag lokohan o plastikan sa dati mo nang nakasuntukan o nakaaway at bigla kayo mag kukuwentuhan.
Sa bawat istorya o pelikula sa likod nyan eh isang napakagaling na akda at direktor at masasabi ko dito ay nakahanda na to napili na ng taong nagpakana ng moro moro. Napaisip ako baka asa blood line nila ang politika sadyang napakagaling nya na manipula nya ang isang sagradong pagkakataon (naks) ng ganun ganun lang na naayon sa kanyang kagustuhan. Naalala ko uloy yung sa libro ni J.R.R. Tolkien na Lord of the Rings dun sa part na yung hari ng Rohan na si Theoden na inuulukan ni Wormtongue na patakbo ni Saruman ang Rohan dahil sa kanya... Expanding thy evil's strength.
Sa sobrang ganda ng pelikula malamang matagal na dito makakalimutan ng mga taong nakapalibot at nahahawakan nya sobrang ganda ng pagkakagawa baga A Perfect Heist isang pagnanakaw ng tiwala para sa kanyang kapakanan. 
Di naman masama loob ko dahil di ako kinuha siguro nga walang bango pangalan ko pero tahasan kong sasabihin mas mabaho ka pa sa isang patay na daga na nakadikit sa isang malagkit na pang huli ng langaw.
Siguro nga nagkamali lang ako o isang  espikulasyon ko lang to bat di ko maghanap ng isa pang kwento baka maliwanagan ako baka mali ako pero yun eh kung mababago ang paniniwala ko kasi 95 percent eh na may fixing na nangyari pero baka pag narinig ko ang isa nila kwento baka madagdagan pababa o pataas dapat galingan nila sa pagkwento hahaha Kaya abangan nyo na lang ang post ko pag may kasunod pa hehe... Basta ayusin nyo na lang trabaho nyo para mayabangan nyo kami na nagkamali ako o kami sa paniniwala namin...
Panapos aminin ko kahit papano naglaro din naman utak ko sa posisyon na yun hehe kaya un tapos na pag kulang pa at may naisip ako edit ko na lang hehe


       Good Karma





Pamatay na Umpisa

Sabi nila dapat para mabasa ng madami ang blog mo eh dapat pamatay ang mga "introduction" mo kaya gagawa ako ng pamatay na introduction.
Pwedeng masabi na nakikiuso ako kasi pwede ako kumita dito tulad ng paglalagay ng ads at kung ano ano pang kalokohan para kumita. Napaisip ako ano kaya magawa sa blog na to tungkol ba sa porn to (inuna agad ang porn hehe),  musika o pelikula (baka ma shutdown pag to ginawa ko sayang oras sa upload hehe), sa pagkain (masarap sana kung libre), sa pag gala (magastos to hehe) at sandamukal na kung ano ano pa. Pero napaisip ako t biglang may nag lumabas na malaking ilaw sa utak ko na bat di kaya labo labo na lang para masaya hehe yun eh kung sisipagin ako...
Pasensya na din king tagalog hehe tinatamad ako mag ENGLISH tsaka mas madali intindihin pag TAGALOG.
Ewan sabihin na nating nakikiuso ako pero wala eh gusto ko sana ilabas mga umaapaw na ideya sa utak kong minsang gamitin, mga pamatay na kakornihan at mga sandamukal na kumento sa nakikita ng malikot kong mata at matalas kong pandinig (lahat sahod na parang embudo).
Sa ngayon tama na to baka tamarin na bumasa at wala ng mgfollow hehe baka palo makuha ko hehe...Pag pasensyahan nyo na kung madaming typo kasi di naman talaga ako manunulat subok lang to eh hehe pag tagal tagal ay gagaling din ako. Basta dahan dahan lang sa koment at baka mamura  ko kayo pag nainis ako biro lang hehe...
Yun ayoko na basta...



WELCOME SA TOTLESTOTS