Sabado, Marso 3, 2012

SAISLA part 1





 Mahigit 2 linggo na din siguro nung ako ay nakapagbakasyon sa isang lugar na sadyang napakaganda, nakakaadik ang kasimplehan ng buhay at talagang nakakawala ng gigil mula sa trabaho. Parang kasama sa pagunlad ng lugar ay napanatili nila ang kagandahan ng lugar at simpleng pamumuhay dahil siguro ay kasama yan sa plano ng lokal na pamahalaan ang ganitong polisiya o perspektibo. Pangalan palang ng lugar na ito ay prinsesa na talaga pati kagandahan neto ay parang isang tunay na prinsesa at buong kaharian ay isang paraiso parang nasa EDEN ako wag lang makikita yung ahas, baka maalok ako ng kung ano eh kagatin ko hehe



Day 1: Arrival


  Sarap talaga sa Palawan kahit di ko napuntahan ang ibang paraiso na binibigay ng lugar na ito pero swerte pa din ako nakapunta ko sa Puerto Princesa. Mga 5:00 ng hapon siguro nung tumungtong ang paa ko at 7 sa aking mga kasama sa lugar na aking / aming tutuklasin. Paglabas pa lang ng airport eh mapapansin mo na agad ang mga tricycle na parang pang Fast and the Furious ang itsura astig nga eh.

 Nagpahatid na kami sa lugar kung san kami titigil ng ilang araw sa Aniceto Pension House touch down ika nga. 


 Napansin ko sa mga trike driver eh para na rin silang tourist guide astig. Konting pahinga lang at nakaramdam kami ng gutom naisipan naming mamalengke at magluto at kasama naman to sa bahay na titigilan namin libre magluto woohoo at libre WIFI isa pang woohoo. Target agad namin ang seafoods na masasabing mas mura kesa dito sa Laguna. Pagdating sa palengke lalo na sa may isdaan yung ibang isda di ko kilala yung iba di ko lam kinakain pala yun, ang natuwa ako nung nakakita ko ng tulingan yung mukhang bagong huli ganda pa parang sarap ipangat tapos prito yummy, ang natuwa pa ko dami hipon, alimango, pusit (masarap to di maalat hehe) syempre hipon binili namin wala ng patumpik tumpik umuwi na gad kami at niluto na nila yung binili naming hipon pagkatapos ng konting oras ayun may prawns in butter and garlic at bagawbaw na kanin ayun bundat agad hehe. Pag kakain konting pahinga para di mabangungot tapos tulugan na para sa aktibidades kinabukasan.



 

Day 2: City Tour

 
 Umaga,nilakad ko at ng aking espesyal samwan (naks) 




simula sa ming tinitigilan binagtas namin ang daang papuntang Baywalk habang naglalakad inobserbahan namin ang mga kabahayan at mga tao nakita namin ang simpleng buhay sa likod ng malaking lungsod.
 Pagkatapos hangaan ang ganda ng Baywalk umuwi na kami dahil di namin alam kung nag hihintay na sa amin ang kasama namin dahil walang signal ang mga cellphone namin.
 Unang destinasyon namin ang  Immaculate Conception Cathedral . Di ko lam kung may kasabihan nga na ganito na "Una mo puntahan pag bago ka sa lugar ay ang simbahan" ewan kung meron nga nun pero Linggo naman nun isa na rin yung respeto at pag bisita sa Simbahan. Masyadong istrikto ang polisiya nila kaya nanatili na lang ako sa labas dahil bawal ang mukhang nakapambahay lang hehe baka makarinig ako di ako rumerespeto eh baka maupakan ko lang sila (biro lang). 


 Next stop Butterfly Garden  matagal din ang byahe papunta dito galing sa Cathedral. 25 pesos entrance. Pagpasok at konting libot konting picture sa mga paro-paro solve, pero natuwa ako dun sa mga ibang insektong nandun yung mga Scorpion (di yung banda), Centipede, Atlas Beetle (ata yun), Stag Beetle (na may panipit putol daliri mo)Walking Stick Insect yun. Pinaka natuwa ako eh yung sa mga Tuko, naisip ko baka dun lang napupunta yung mga binebenta na tuko hehe.
 "Konting lakad lang" diretso na kami sa Mitra's Ranch mga 30 minutes na lakad at pataas na lakarin ang nangyari, kasalanan to nung babae sa Butterfly Garden!.


  Yung bahay sa Mitra Ranch eh makikita na natin sa maraming pelikula ng mga nakaraang taon kalimitang bahay ng mga congressman, governor o mga bosing ng mga sindikato sa mga action movies. May zip line din sila, asa kanila ata yung may pinakamahaba na zip line mga 500 O 600 ata ang bayad. 

  Konting pahinga mula sa init ng araw at mala Death March  na lakad punta na kami sa pinakakaantay ko ang "SEAFOODS ALL YOU CAN" sa sikat na Baker's Hill.

 11:30 start ng eat all you can nila sakto dating namin dahil gutom na gutom na kami biruin mo 400 pesos lang wantusawang sea foods, dessert, Filipino Thai foods at malamig na tubig ang makukuha mo. Di ko tanda kung nakailang balik ako para kumuha ng pagkain sa mga ensalada, camaron rebusado, pancit canton, inihaw na hipon, blue marlin, pusit, rock lobster, tempura yung iba di ko na tanda. Desserts panalo din yung mga crepe, cake, pakwan, ang dami nila di na mag kasya sa malaki kong tyan


 Parang dinaanan ng bagyo lamesa namin halos di na kami makagalaw dahil sa bigat ng tyan parang sa istorya ng mabangis na lobo na nilagyan ng mga bato ang tyan. Sabihin na nating "Wagas" ang Baker's Hill, nabundat akong maigi di na makahinga sa dami ng nakain. Sa likod neto may isang parke na pwede pag piknikan ng pamilya, barkada, lovers at kung sino sino pa. Astig talaga ng lugar na to panalong panalo sa kin. Sa harapan may bakery dun na pwede ka bumili ng mga baked goods syempre bakery nga eh. Sabi nila yung Hopia nila eh rakenrol na sa sarap kaya sinubukan namin ang hopiang monggo at ube na bagong luto pa. Pero paguwi ko na natikman dahil busog pa din ako sa mga oras na yun. 

  
Konting tingin sa mga bilihin sa labas ng bakery eh pumunta na kami sa Irawan Crocodile Farm  di ko tanda pamasahe namin sa trike mula Baker's gang Crocodile Farm pero entrance 40 pesos ata.

 Sa loob ng building makikita ang 5 metrong skeleton ng buwaya, pinakamalaki na nahuli nung 90's ata na pinaniniwalaang kumain ng isang bata. Yung balat ng buwaya ay naka sabit sa dingding una ko nga hinanap baka my nakasabit na tsapa sa balat ng buwaya. Sa likod eh makikita yung ibang maliliit na buwaya yung pinalalaki nila (para gawing sisig ata biro lang) konting lakad pa eh makikita mo yung parang spa ng mga buwaya yung iba ang dami kaya pag nalaglag ka dun sa daanan eh ubos pati buhok mo sa kilikili. May isa pa dun na siguro yun ang pinaka mayor sa lahat nagsosolo lang sya sabi nila 60 years old na daw yun. May card kaya yung mga yun senior citizen na eh.
  
 Sa labas makikita yung pwede mo mahawakan yung bearcat pati yung maliit na buwaya na pwede ka pa magpa picture "Kodak moments" baga. Meron din dun bilihan ng mga pasalubong mga T shirts, key chain atbp at kainan na nagseserve ng buwayang sisig na di ko tinikman dahil sa ayaw ko eh.
 Pagkatapos ng mga 30 minutes siguro uwian na ang problema wala trike na available para maghatid sa amin sa bayan. Kaya naisipang naming maglakad ng konti at sinuwerte may paradahan ng multi cab dun hanggang bayan 20 pamasahe papunta bayan tingin ko oki na din yun. Bumaba kami sa Tiangge Tiangge isa sa huli mo o pwede puntahan ng city tour mo. Kung mahilig kang mag bigay ng pasalubong dami mo mabibili dito mga fresh water pearl, mother of pearl, key chain, dekorasyon sa bahay, T shirts, daing, bags, burloloy at marami pang iba. Kung kulang ka naman ng cash pwede ka dun sa kabila may aircon tsaka pwede credit card. May cashier dun na lalaki ba yun kamukha ng HR namin hehe
  At last uwian na pagkatapos ng maghapon na gala lumapat na likod ko sa kama at saglit lang may libreng hapunan na adobong pusit na luto ng asawa ng pinsan ng espesyal somwan ko. Pag katapos kong tunggain ang 2 boteng sanmig light tulugan na at maaga pa kami para sa susunod naming adventure.
 
Day 3 Honda Bay, Day 4 Subterranean River 
TO BE CONTINUED...

2 komento:

  1. enjoy lang hanggat me pagkakataon na makarating sa magagandang lugar sa Pinas.Huwag maging estranghero sa sariling bansa..

    TumugonBurahin