Huwebes, Hunyo 28, 2012

lahat ba ng sobra ay nakakamatay o ang kulang ay nakakamatay din?



Express way
humaharurot ang sasakyan
dalawang magsing-irog
magkahawak kamay
pagmamahalang nanunuot sa laman
mga ngiting may lalim
biglang lumiko ang sasakyan!
nagulat ang mga drayber
pumureno at nag banggaan!
ang babae di malaman ang gagawin
ngumiti lang ang lalake
dumiretso ang sasakyan sa tulay
tumalon at bumagsak
pumapatak na dugo
buhay unti unting nawawala
tanging maririnig
mga sigaw ng mga saksi
katinuan kinain ng pagmamahal
pagmamahal na gumawa ng isang
 nakakamatay na kabaliwan.


delubyo ng pagsuyo
uubusin ng isang iglap
sumobra o kulang 
pareho lang yan



Sabado, Hunyo 23, 2012

Unang Subok

     " Putang ina mo! "
   Sigaw ng isang babaeng pilit kumakawala sa mahigpit na kapit ng isang taong desididong isakay sa sasakyan ang kanyang biktima.

     " Bitawan mo ko!, TULONG! TULONG! " 
  Pilit na sigaw ng babae.

     "Sige sigaw lang, mas gusto ko yan" 
  Sagot ng misteryosong nilalang na animo'y tuwang tuwa pa sa eksenang kanilang ginagawa.

     " Tulong, tulong, hayop ka. Tulong! " 
  Patuloy na pananaghoy ng nilalang na walang kalaban laban sa taong humihila sa kanya mula sa isang madilim na eskinita.

  Isang tagumpay na masasabi ang pagsakay ng isang nagwawalang babae sa sasakyan na walang tumulong o naging saksi sa kanyang kapangahasan at ingay na ginawa ng babae.
  
  Tuwang tuwa ang misteryosong nilalang sa kanyan ginwa na parang mangangaso na nakahuli ng magandang karne o isang mangingisda na nalambat ng sandamukal na isda.

     " Jackpot to " bulong ng maskaradong nilalang.

  Walang tigil sa pag sigaw ang babae sa likod ng sasakyan. Sinubukan nyang buksan ang bintana at pinto pero wala syang swerteng nakuha.
  
  Parang yung sasakyan ay pinasadya para sa mga ganung pagkakataon parang isang hawla o kulungan ng mga nahuli mula sa pangngaso.

  Ang ingay ng babae at pagwawala ay parang isang magandang tugtugin sa tenga ng kidnaper. Isang kabusugan sa kanyang matinding pagnanasa. Ang iyak, sigaw, pag dabog, pag suntok ay parang isang buong vitamins na para sa kanya.

     " Ano ba ang kelangan mo sa akin " sigaw ng babae

     " Anong atraso ko sa'yo? please pakawalan mo na ko. Nagmamakaawa na ko sa'yo " Pagmamakaawa nya na hanggang mapaupo na lang at humagulgol ng iyak. Iyak na may kasamang takot, mga pawis na malamig, bumabaligtad na sikmura sa nakakapangilabot na pangyayari.

     " Sige iyak lang mas lalo akong ginaganahan dyan hehehe! "
     " hmm... kagigil ka " wika ng misteryosong tao na tuloy lang sa pagmamaneho patungo sa isang lugar na di alam o walang ideya ang babae kung san pupunta.

     " Putang ina mo! " Sabi ng babae na galit na galit pagkatapos magsalita ng lalake.

  Konting saglit lang ay tumigil na ang sasakyan. Nagmamadaling bumaba ang misteryosong nilalang na parang hayok na hayok at siyang siya sa kanyang gagawin. Binuksan ang lagayan ng gasolina, nilagyan ng mahabang tela na prang mitsa at sabay sinindihan ito. Humakbang palayo sa unti unting umaapoy na tela at hinintay sumabog ang sasakyan na kung san nakalulan ang babaeng walang kalaban laban at walang kaalam alam sa ginawa ng dumukot sa kanya.

  Walang kalaban laban ang babae kundi sumama sa kawalan ang kanyang kaisipan at sumabay ang buong katawan sa pagsabog ng sasakyan na parang nagpaubaya na lang sya sa kung ano man ang nabgyari.


  Sa lakas at biglaang pagsabog ng sasakyan at pagsigaw ng babae ay parang isang masarap na eksperyensya iyon para sa misteryosong nilalang.


  Pagkatapos magustuhan at mairaos ang kanyang makamundong pagnanasa, ang mabusog ang kanyang mga mata sa eksena at ang mga naririnig nya habang nasusunog ang sasakyan na sa tingin nya ay isang magandang obra.

  Unti unting naglakad sa dilim ang nilalang na may ngiti hanggang sa lamunin sya nito.

    


    
 sunugin mo ang laman at ito'y mag papasaya sa iyo



 

Biyernes, Hunyo 15, 2012

wag kang kikibo ako ang hihipo


PASAKALYE

   Ang mag bintang o mag paratang ang masasabing isa sa pinakamasamang ugali o pamamaraan na pwede mong ipakita o ipamukha sa isang tao lalo na kung wala kang basehan o ebidensya o saksi sa iyong pinupukol na alegasyon.
   Minsan sa batas ay di pinapanigan lalo na kung iyon ay opinyon o sariling paniniwala o persepsyon lang na ikaw ako o siya ang may gawa ng krimen. Pero kung ikaw ay nakikipaglaban sa isang kaso na katulad ng SLANDER o LIBEL. Na "OPINYON" ay pwedeng maging ebidensya ng depensa ngunit pag ito ay di pinanigan ito ay mag kakaroon ng malaking isyu sa mga grupo na lumalaban para sa tinatawag na "FREEDOM of SPEECH" lalo na kung ikaw ay nasa isang bansang malaya.
      Teka sino sino ba tong mahihilig mag sampa ng kasong DEFAMATION? 
Syempre sila lang naman ang mga nasa itaas ng lipunan tulad ng mga politiko, artista, mayayaman at iba pang masasabing makapangyarihan. Minsan ang kalimitan na pinag iinitan nila ay ang mga manunulat o reporter na pwedeng may basehan sa kanilang sinulat o inulat o purong malisyoso lang. Bakit nila ginagawa to ng mga nasa taas at kinakasuhan nila ang may mapanuring isip at mata dahil ba sa ito ay pwede nilang pag kuhanan ng san damakmak na kuwarta ang mga tagapamahayag ng katotohanan o tsismis. 
  Eto ang tanong pano kung wala naman ibibigay ang kawawang pobre kung siya man ay matalo sa kaso o kung manalo man siya, siya ba ay mananatiling ligtas? Pano kung totoo ang akusasyon o di totoo makokonsensya kaya sila hmm sabagay malaking pera yun. Pano kung may ebidensya ang nagsulat mananalo ba siya o bibigyan ba sya ng pansin? Hay libelo bakit ka pa nabuo kaya ikaw na siguro ang isa sa pinaka inaabusong kaso sa hustisya, sa bansa ang demokrasya at batas ay isang laruan ng matatalinong mamamayan. Talino laban sa kapangyarihan, talino laban sa kayamanan, talino, kapangyarihan, kayamanan laban sa pobre.

UMPISA

  Buhay sa korporasyon walang batas o due process ang umiiral kung meron man yun ay syempre "pwedeng" pakitang tao lang yun at ang interes pa rin ng kumpanya ang pangangalagaan, di bale kung may grupo ng mga manggagawa na tutulong at aalalay sayo sa kaso (kung wala malas hehe)
  Pano ang kaso ay nag mula sa tsismis. Tsismis na kumakalat na parang utot sa isang air conditioned na van na madaming sakay. Sa sobrang bilis ng pagkalat di mo lam kung sino talaga nag paumpisa ng utot dahil pwedeng walang aamin (syempre kahihiyan na yun hehe) o yung nag reklamo kung meron man siya mismo ang umutot para may mapag usapan o mapaaway.
  Ang masama neto yung mga nakarinig ng tsismis ay gustong malaman kung totoo ba yung kumakalat na usapin.
Gumagana ang kuryusidad ng mga kumakati ang kaisipan. Yung mga parang lobo na gutom sa isang umaatikabong paglalahad ng saloobin.
  Meron din namang din namang di makatiis at gusto na malaman kung orig ba ang utot. Kaya may pagkakataon na mayroong "question and answer portion", kaso sa judge ka magtatanong. Sa pagtatanong na yun at sa sagot na makukuha sa mga judge ay magiging pagkain sa mga lobo at ointment sa makakating isip.
  Dito pumapasok ang isang istorya nang isang nilalang na ginawa nya lang ay magtanong at napagbintangan.
  Nang narinig ko ang balita o isyu tungkol sa isang institusyon nangiti lang ako pero may isang parte ng utak ko ang nagtatanung at naghihintay sa katotohanan at yun na nga may isang mabait at mapag kawang gawa ang gumawa ng hakbang para isiwalat at kung ano ang nasa likod ng kumakalat na isyu. 
  Sandali lang ano ba nag issue nato? Ang isyu na ito ay tungkol sa institusyon na di umano na... yun lang muna at maka may mainit ang mata at biglang pasara ang blog ko la pa naman ako back up neto hehe.

ETO NA MALAPIT NA... CLIMAX NA

  Eto na, pagkakuha ng sagot sa mga judges at pagkatapos ipamahagi ang impormasyon na nakalap, ang presiding officer ang bumuwelta at isang konprontasyon ang nangyari.
  Isa sa mga insidente na nagbigay ng maraming dahilan para bumitaw ang nag tanong at isa sa mga tumulong mag paganda ng takbo at mag bigay ng nararapat na puntos na hinihingi ng institusyon. Isang pangyayari na sa tingin nya ay di na nya kaya dahil sa kawalan ng propesyonalismo sa katawan ng taong kumonpronta sa kanya at kawalan ng respeto sa kanyang tao at pag gamit ng kapangyarihan para makapag salita ng masakit, makapanduro at manyurak nasa tingin nating lahat ay di nararapat.
  Lahat ay nag tatrabaho ayon sa gusto at ng propesyonal pero ang nasa itaas mo ay umaakto na parang isang tambay na walang pinag aralan na animo basura ang inilalabas sa bunganga at akto.
  Pangalawang dahilan bukod sa pagyurak ng pagkatao at ng kung anong ugali ang kawawang nilalang ay napag bintangan pa sya ang nag kakalat ng masamang utot na walang ebidensya at basehan para paratangan sya ng ganun. Kasalanan na ba ang magtanung at alamin ang katotohanan sa mga judge o ang mga judge na yun eh sobrang malapit sa presiding officer kaya lahat na masinghot na amoy ay ipapasa dito kahit walang ebidensya o saksi na sa kanya galing ang isyu. Basehan na ba ang pagiging maingay at makwento ng isang tao para pag bintangan. Kababawan at kapraningan.
  Pangatlong dahilan siguro ay ang pag dadamay ng mga grupo na isa sa pinag bintangan na sila ang gumawa ng balita sa dahilan na madaldal din daw sila at nag bigay pa ng pangalan (teka bat di nya kaya yung binigyan nya ng pangalan ang konprontahin nya at malaman nya ang sagot hehe) 

YOSI BREAK AT KATAPUSAN
 Resulta ayun wala narinig na sorry sa part ng presiding officer pagkatapos ng insidente. Kahit mag sorry pa sya o kung mag sorry man syempre damage has been done, nakarinig at nanuot na ang mga sinabi at kahit sinabi ng kawawang nilalang sa presiding officer na galit na galit sya sa kanya at gusto mag salita pero syempre naisip nya na propesyonal sya kaya di nya ginawa yun lalo na ang kaharap nya ay may kapangyarihan.
  Kinabukasan ng insidente ng konprontasyon nag decide na lisanin ang institusyon ng wala ng alinlangan pagkatapos ng matinding pag sangguni sa mga taong malapit sa kanya.
  Nag desisyon na umalis na lang kesa mapag initan pa uli kung may mga isyu pa na lalabas. Pero sabi nya masaya naman daw sya at wala sya sama ng loob dun sa nangyari pero sa presiding officer siguro meron pero di sya maka kilos dahil kahit wala na sya dahil asa kanila pa din ang huling hakbang para makuha ang huling benepisyo na makukuha nya na galing sa kanyang pinag hirapan makalipas ng maraming taon na pwede syang ipitin o pag taguan na lam natin na di na tama yun.
  Umalis sya na iniwan ang isang legacy at isang insidente na di makakalimutan ng lahat na gano kabulok ang pag uugali meron ang taong gumawa nun sa kawawang nilalang na uli, isa sa mga tumulong upang maging matatag ang institusyon at ang tanging ginawa kundi mag tanung. Umalis na nakapag paalam ng maayos at may ngiti na animo nawalan ng tinik sa dibdib.

PERIOD 

  Huling habilin at mga tanong. Sa tingin nyo ba tama ang gawain na yun hamakin ang isang tao na lam natin na napakinabangan nya na maigi sa tagal nya na pag harian ang lugar na yun. Ganun ba dapat ang pag tanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya. Nakakatulog pa ba sya sa gabi o na kokonsensya pa ba sya sa mga salita o basura na sinasabi nya. Di ko din alam kung kasama sa job description as presiding officer yung ginagawa nya sa tao.  Di pa ba nya naiisip na nawawala unti unti ang mga magagaling at di ba nakikita o napapansin o di man lang ba nanghihinayang ang mga nasa higher echelon ang pag kawala ng mga masasabing asset ng institusyon. Wala ba talaga pag asa umayos ang lagay natin sa mga taong di maayos ayos ang mga benepisyo nararapat sa atin tulad ng tax at ano pa ang naka pending at delinquent na status. Sa taong walang ginawa kundi pairalin ang pag gamit ng pwesto. 
  Ewan siguro tong mga tanung na to tinatanong din ng ibang tao o paulit ulit na lang, isa na ngang cliche maituturing dahil matagal bago makuha ang sagot, Kung makuha man maibabalik pa ba ang tiwala na minsan na nila tinanggay na parang snatcher sa bilis ng takbo eh wala ka magawa kung mahuli man ay di aamin at maibalik man sigurado matagal gumaling na parang sugat ng taong may diabetes.
  Minsan di naman pwede lagi tayo mananahimik may karapatan ka mag tanong dahil ang pag tatanong ay di nakakamatay at di nakakasira sa isang tao bagay reputasyon o kung ano pa man. Nag tatanung ka ba dahil bobo ka o tsismoso/tsismosa ka? ganun na ba ang persepsyon nun? siguro ang nag iisip nun ang mas makitid ang utak kesa sa nag tatanung.

Basta ewan.