Biyernes, Agosto 10, 2012

weder weder lang mga pakers

  Di ko lam kung kelan ako huli nag post dito sa aking blog. Nakalimutan ko na nga password ko kaya kelangan ko nanaman mag reset ng password. Madaming dahilan kung bakit ako di nakakapag post sana mailathala ko lahat ang mga iyon.

 WAT IS DA WEDER TODEY? R WE STILL DRESS DOWN?

  Buset na si "Gener" kasi eh lakas ng hangover nag dala pa ng kasama si "Habagat" di naman sya bagyo hangin lang nag aasume na bagyo. Nak ng wala na pag uulan walang tigil din sa pag baha at ang lamig din. Sa sobrang lamig at basa ng paligid eh nakakatamad kumilos kahit isang pulgada man lang. Lam mo yung pakiramdam na gusto mo lang humiga katabi ang mainit na inumin o sabaw ng masarap na sopas o lugaw na may tokwa yun ang the best sa lahat. Masaklap lang eh kung inabot ng baha ang lugar nyo. Oo masakit sa kalooban yun dahil kelangan mo lumikas kasama ang iba sa evacuation area. Kung ayaw mo naman dun makitira ka sa kamag anak mo na may malaking bahay o kung mayaman ka naman eh mag hotel ka na lang. 
  Masasabi kong sinuwerte ako dahil di gano tumaas ang tubig sa amin (tataas pa lang). Pero mas masuwerte yung mayayaman na di inaabot ng baha ang bahay nila dahil naka water proof ang bahay nila. Pagtagal tagal eh makikita ko din kayo sa evacuation area dahil di na kaya daanan ng 4x4 nyo ang baha di bale na lang ilalabas nyo ang yate o bangka para makapunta sa ligtas na lugar. 
  Kung nakakaangat ka at kaya mo mamahagi ng tulong wag kalimutan tumulong sa mga nasalanta kahit gano katigas ang ulo nila eh mas mabuting maging "TAO" sa mga oras na ito at di maging mapang mata sa kalagayan nila.


WAT'S DA NYU SPORTS?

  Sa bagyong dumaan at matinding paguulan na nag dulot ng matinding pag baha sa mga lugar na masasabing madaling bahain sa madaming kadahilanan. Pero nag dala din to ng madaming nakakainggit (pang asar) minsan nakakatawa na lang na aktibidades na di natin maiisip sa kabila ng bagyo eh may matatabang utak ang gumawa neto. Mga sports na ginawa sa isang radikal o kakaibang lugar.
 
  Natawa lang ako dun sa video na napanuod ko sa YOUTUBE yung may dumaan na jet ski sa gitna ng kabahaan. Nung una kala ko ang feature dun sa video eh yung nasa pedicab pamaya maya dumaan na yung jet ski hehe astig...
 
 


  Di ako sigurado kung san lugar yun basta pati mga forenjer nakigulo dahil nag da dive yung mga bata sa balita ko lang yun nakita. Kung tatagal pa ang baha (wag naman sana) eh pwede mag practice dito ang ating Olympic team para sa swimming para sa susunod na Olympics o tournament eh ready na sila dahil di na nila kelangan ng weights para bumilis dahil may kakapit na mga basura sa paa nila pag lumalangoy na sila at daig pa Olympic size pool neto wan to sawa na tubig to hehe



  May nag skim o surf boarding sa baha astig antay ko na lang makakita ng may mag post na mag wake boarding sila sa baha (calling the attention of wake boarding association of the philippines) hehe

  Sadyang matalino talaga pinoy at malilikot ang utak lalo na sa kalokohan para mapatawa ang iba yan ang pinoy humor kahit na lam na natin na pikon ang pinoy pag ibang lahi na lumoloko sa atin at lam natin na binibiro din natin sila minsan malma pa nga. Sa internet pa lang dami ko na nakita na mga pictures na nakakatawa sa kabila ng trahedya eh nakuha pa natin mag patawa tulad neto



  Sa lahat eto paborito ko si SCUBA STEVE  hehe kulet ng hayop na nakaisip neto astig.


DA DYOB (the job)
 
  Mga nakaraan araw kasi eh di lang ako subsob sa trabaho (naks) dahil siguro may gusto kami ipakita at may sinusunod na bagong requirements na minsan ay imposible na masunod. Minsan nga naisip ko "putsa di naman kami robot di kami makina para masunod agad ang mga gusto nila sa tingin ko eh di na nakakatuwa napapagod din kami. Palibhasa yung iba binayaran para lang makipag daldalan gumala tumambay manggulo mag liwaliw kung saan saan matulog at marami pang iba habang yung iba eh nag tatrabaho dahil binayaran sila ng malake para sa trabaho na yun kaso sila pa yung pinag tatawanan sa pagiging workaholic nila. 
  Hay yan ang masaklap talaga kaw na madaming trabaho tapos makikita mo yung pawis mo sa kili kili dahil sa walang aircon eh pang starbucks lang o pang bili lang ng diet pills ng mga nakakataas.
  Minsan pa nga nabubulyawan ka pa dahil bagsak ang score mo o di mo na meet yung target mo putsa minsan bumalik kayo sa pagiging ahente at kayo ang bulyawan ko ano mararamdaman nyo mga pakers hehe. Maswerte kayo dahil may pang laban kayo sa mga ganyang sitwasyon na bawal kayo umupo saglit sa lugar namin dahil inutos yun ng banyaga. 
  Ewan siguro nagsawa na din ako sa mga ganung scenario paulit ulit na lang katulad ng pag ulit ng halos wala akong sinuweldo dahil sa buset na pagmali ng kaltas sa aking ni loan. Wala talaga utak ang mga yun sabi nga nila "we're incompetent but we're not stupid" iisipin parang ganun nilagay ka sa posisyon na yun para ayusin ang gulo pero kasi nga stupid ang naglagay sayo eh incompetent pala kayo lumayas na kayo.
  Nakakawalang moral at gana sa pag pasok ang mga ganyang gawain. Pati pamilya ko nadadamay sa KATANGAHAN na yan. Naubos na pag kukuhanan ko pang tuition ng mga estudyante ko nagastos ko na dami ko na nilapitan binaha ka pa. Nak ng kilawing makunat na kamelyo parang proud pa sila sa gingawa nila at wala man lang ginawa para tulungan na bawiin saglit yung katangahan nila wala man lang "sorry babe di na mauulit" eh parang sinabi pa na "Fnck you! you deserve that! laborer"  
  Oo nakakahiya sa ibang ka team na gusto mag karoon ng pera ang team pero di ko kinaya talaga ang pangyayari na yun. Pati sa mga taong mamumrublema. Wala ko magawa sacrifice ko na lang ang work muna kesa wala gastusin dito sa bahay masyado na ko naging loyal sa trabaho at ni isa wala bumalik sa kin nabastos pa ko ng sistema. Para san pa ang magagandang stats kung ganun din naman gagawin sayo ng sistema gagaguhin ka kaya tama na ang pag papanggap na mabait kayo at pro employee sarili nyo lang ang iniisip nyo.

  Mas madami pa sana kong sasabihin pero mas mabuti ko na lang sarilihin to at lam ko madaming magagalit sa kin. masasabi ko din siguro yung pag basta...yun ang masakit na katotohanan. Pero sana pag tulog nyo at maalimpungatan kayo eto makita nyo pakers

 




 get up stand up stand up for your right

 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento