Biyernes, Mayo 18, 2012

bubong na lata


Bubong na lata
  
Ibabaw ng bubong na lata
Sa ilalim ay siyang naaaninag
Ang pawis na nagliliwanag
Di iniinda ang hapdi sa ilalim ng araw
Upang makamit ang pinakamimithi


Nakakaulol na kasaganaan
Kaya't ang iba'y nahahayok
Sa musika'y nagmamaliw
Ang sugat na hinahayaang
 dumaloy ang dugo 


Sinong hindi makapaghihinala
Sa loob ng kulungang lata
ay pilit nagsusumiksik
Nag dedeliriyong kapangahasan
Nanawalan ng puwang ang realidad


Naipit na nanaghoy
Nagpupumilit makawala
Nabilanggo sa pantasya
Nadomina ng agam agam
Sa kabila nito ay pag hahangad
ay maaring panganib ang maghahasik.