Linggo, Marso 10, 2013

BUHAY SA KABILANG MUNDO


  Ano ba ang punto ng buhay? mabuhay para mag-hirap, magpahirap, mangarap, sumaya at magpakasaya atbp.

Para sa iba siguro ang buhay ay parang isang malaking kamalasan dahil sa nangyayari sa kanilang kapaitan at walang bahid ng kaligayahan. siguro sila ang mga taong pinagkaitan ng mga makamundong kagamitan at kaligayahan, sila ang mga taong pilit nabubuhay para mabawasan ang hapdi sa tiyan, sugat sa katawan at matinding dagok sa emosyonal na aspeto. Sila ang mga taong hinihintay na lang ang kamatayan para mawala na ang dusa na pinatikim sa kanila ng buhay. Buhay na inumpisahan at natatapos ng puro pighati at kadiliman.

May ibang tao naman na habang buhay kumakayod para sa kanilang pamilya para matustusan ang bawat pangangailangan. Sila ang mga nasa tamang antas ng pamumuhay. Masasabing di pinagkaitan ng tadhana. Pero kayod ng kayod pero ang asenso ay sadyang napakataas. Para kang umaakyat sa isang hagdan na di mo makita ang dulo. Masasabing isa din biktima ng pang-aabuso.

Ang iba naman ay sadyang pinanganak na nasa taas. Na kahit di sila mag banat ng buto ay kakain pa din sila ng 3 o 5 beses sa isang araw. Parang sila na ang pinanganak sa langit na katabi ang diyos. Sila ang mga taong minsan di dumidikit sa ibang lebel at antas ng pamumuhay dahil sila ay nadidiri lalo na yung asa ilalim ng nasa ilalim. Yung iba na may kasama sa iba antas ay di mo lam kung pakitang tao sila o nag papanggap na sila ay parte ng masa. Umiiwas lang ba sila para di matawagang matapobre pero sa kabilang banda ay kinukutya nila ang kanilang karanasan at mga taong nakasalimuha nila. Isang malaking pagkukunwaring banal.

Ilan sa mga taong ito ang kakilala mo? Ilang tao ang kakilala mo sa iba't ibang level, ilan dito kilala mo na nagpapanggap, ilan naman ay iniiwasan dahil sa maraming aspeto at dahilan, ilan naman ay naghahangad at naghahanap ng madaliang pagginhawa sa pamamagitan ng marahas at pangaabuso o di kaya sa pag lapit o pag kapit sa isang tao na nasa ibang antas ng pamumuhay. 

Mahirap magpanggap na di ka naman talaga galing dun at mahirap din magpanggap na magpapakamasa ka kung di ka naman makamasa. Ang kapaligiran natin ang unti unting kumukuha ng ating dignidad at pagkatao. Ang mga taong pilit ginagaya mga taong gustong maghangad ng sobra mga taong nabubuhay sa tamang pamamaraan at ganun din sa mga kapit sa patalim para makuha lang ang gusto nila. Iba iba din ang pananaw ng mga tao sa pag papakasaya at pagpapakasasa iba din ang pananaw sa pagpapakahirap at pagsisikap. Ayon sa nabasa ko"People were created to be loved, Things were created to be used. The reason why the world is in chaos is because things being loved and people are being used."

Sino dapat sisihin sa ganitong eksena? Diyos ba? Gobyerno? o ang mismong lipunan? Media? Kung iyong titingnan maigi kahit siguro sa isang kolonya ng mga hayop meron isang tumatayong lider kasama sa maharlika at meron din namang mga hayop na itinatakwil mga nilalang na sadyang pinagkaitan ng kanilang lipunan. 

Kahit siguro mag restart ang mundo ganito pa din ang mangyayari laging may tatayong agresibo, mapusok, matapang. Lahat tayo ay may kakayanan pero lahat din tayo ay madaling sumuko. Siguro nga lahat ng bagay ay makabaligtaran at di na mababago yun. Ang pagkakaroon ng pantay pantay na pamumuhay sa lipunan ay malabong mangyari yun at yan ang masakit at mapait na katotohanan ang buhay sa kabilang mundo...







 


commercial