Biyernes, Hulyo 20, 2012

hugot mula sa nakaraan


  Mga nakaraang araw nag lilinis ako ng mga san damukal na kalat sa bahay ng makita ko ang mga lumang piraso na papel na puro sulat ng kung ano ano at mga munting tula na sa pagkakaalala ko eh naging libangan ko nung mga nakalipas na taon na habang ako'y nababagot pa sa buhay. Tanda ko may isang notebook yun na puno ng tula na sa tingin ko ay di ko na makikita dahil malamang ay kinain na yun ng lupa kasama na ang aking mga ginuhit at pininta gamit ang mumurahing water color at mga folder na ginupit sa gitna.

 Isa sa mga tula na ginawa ko ay nakita ng kapatid ko na ginawan nya pa ng isang magandang presentasyon. 




  Naks naman mga banat hehe eto pa siguro di na ginawan hehe


If I knock, will you let me in
If the way seems vague,
will you make it clear
If i told you " you rock my world"
do i have the chance to rock yours

 Panalo pang hopeless romantic no? hehe yung iba tanda ko medyo madilim na siguro dahil na sa kalungkutan na nararamdaman ko nung mga panahon na yun ay sobrang lungkot ko nun na halos nakalimutan ko na ang realidad at napaisip na matulog na walang gisingan.

In a far oblivion
rested a soul
deep broad lane
deflating the angst
of the world
  Siguro isa ang tula ang pinakamagandang medium para makita o mailahad ang nararamdaman ng isang tao pwedeng positibo o negatibo.Sayang at di ko na mababasa uli ang mga tulang sinulat ko ng nakaraang taon sayang nga lang din at natigil na din ako sa pag susulat ng tula at paguguhit. 

 makata


1 komento:

  1. maaaring distrakted sa maraming ibang mapagkakaabalahan... at dahil wala nang kalungkutan na gustong kumawala.............

    TumugonBurahin