Biyernes, Mayo 3, 2013

Sayaw sa Bubog


 
Nung bata ako gustong gusto ko sumama pag bumoboto nanay at tatay ko, pero di naman ako isinasama dahil pang matanda daw ang eleksyon. Araw na ang mga taong nasa legal na edad at tamang pagiisip ay pumipili ng kanilang gusto at sa tingin ay karapat dapat na umupo sa isang pwesto na may mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat.

Oo sila ang mga taong nagpapatakbo sa bayan natin, sila ang mga taong mahilig ibenta ang sarili sa pamamagitan ng mga matatamis na salita baga sugar coated lahat ng kaniyang sinasabi mamili ka na lang kung may laman ang makakagat mo O hangin na may masamang amoy ang mapapunta sa'yo.

Sila din ang nagbebenta ng mga dating kaibigan para gumanda imahe nila, BASTUSAN sa madaling salita. Sila din yung biglang mabait at mapagkawang-gawa sa mga oppressed , sa mga taong may matinding pangangailan sa lahat ng aspeto ng buhay. Sila din ang parang may kamay ni Midas o isang madyikero na parang kahit saan humugot ay may lalabas na pera para sa mabibili nila


Parang may ari sila ng BSP o isang imprentahan ng mga pera sa dami ng nilalabas, isang kaimposiblehang hindi kapanipaniwala. Kahit anong paliwanag na gawin nila kung saan galing ang limpak limpak na salapi ay di ako maniniwala.

Sinong kaibigan ang magbibigay sa'yo ng malaking pera, abuloy ng ibang tao? Shit sa hirap ng buhay ngayon ibibigay mo pera mo sa isang tao na halos di mo alam kung mananalo pang tuition na ng anak o pagkain na ng katulong yun

Sugal? Oo isang sugal ang pagpasok sa pulitika, kaya daming sugarol ang pumapasok kasi sanay na sila mawalan ng pera. Eh sa partido naman galing pera na nilalabas ko para sa kampanya ko. 

Isang tanung na paulit ulit na iisa ang sagot

TANONG: SAAN GALING ANG PERA NG PARTIDO? 
SAGOT: SA MGA KAPWA KAPARTIDO NA INIPON AT KINALTAS SA SWELDO NILA BAGA PORSYENTO SA SWELDO MO (WOW parang may manager kaltas sa talent fee)
Sa totoo di ko lam san nanggagaling yun baka sila din nanalo sa ultimate mega super duper up to 1 million level lotto hehe. EWAN

Sila din ang mga taong snob na pag nakaupo, laging absent sa session kung meron man, o may usaping ayaw nilang pagusapan nag iintay na matabunan. Sila din yung lumago bigla ang negosyo dahil sa kanyang posisyon e.g. janitorial services, agency, realty etc.

Kanya kanyang gimik para magpakamasa na sa hilatsya ng mukha nila eh alam mo namang napipilitan lang. Sasayaw sa entablado ng cha-cha o gentleman, kakanta ng Gyomi o anung sikat na kanta para wag lang antukin ang mga inuuto nila.

Ngayong botohan eto ang mga tips ko para makapili ka sa iboboto mo.

1. Wag mong iboto ang mga kandidato na di sumusunod sa ELECTION CODE. Dapat wala sa pader, pampubliko at pribadong sasakyan poste etc. simpleng utos di sinusunod.

2. Wag mo din iboto yung nangangako na mauubos ang kahirapan at dadami ang trabaho at kung ano man. (self-explanatory)

3. Naranasan mo ang matraffic dahil sa motorcade ng kandidato? Pwes eto na ang oras para gantihan mo sila hehe. Kung concern ka sa taong bayan di ka gagawa ng isang bagay na papahirapan mo ang lahat. biruin mo wala ka masakyan o nakaupo ka sa jeep sa loob ng mahabang oras tapos makikita mo dahilan eh sampung kilometrong walang awang mga sasakyan na may poster ng kandidato.

4. Yung mga kandidatong sumasayaw at kumakanta. Alam mong nanguuto lang hehe

5. Pag lagi mo nakikita sa TV ang mga pagmumukha nila wag mo iboto. Yun eh umeepal lang o gustong maging artista.

6. Pag kamag anak mo ang kandidato wag mo iboto. Isipin mo may ginawa kapalpakan o nasangkot sa isang malaking kontrobersya ang kamag anak mo. Uusigin pati patay na kamaganak mo ng taong bayan. Nakakahiya di ba?

7. Kung minsan eh bigla ka nagigising dahil sa isang masakit sa tengang tugtog mapa umaga o tanghali na umaabot minsan ng hanggang gabi. Buset noise pollution yan eh. Sana sa susunod gumawa ng batas na live ang kumakanta ng campaign jingle para magsawa sila sa ganung style. Yung iba matalino sa motor inilagay para kahit sa masisikip pwede idaan. Nagbayad kaya sila sa rights ng mga kanta sa pag gamit nila para sa jingle...hmmm 

8. Yung mga nagpapaka masa. Kumakain ng nakakamay, yung nakikipagusap sa ibang lebel ng tao, hayop, bagay atbp pero pagdating ng upuan sa opisina ang mga pangako sa masa nawala at ang para sa tumulong sa pondo ng kampanya ang kanilang tinulungan.

9. Nagbibigay ng tip o kung ano pa man yan o bumibili ng boto syempre pag 1 thousand ang bigay pwede pero pag mas malaki pa sa 1k aba hehe sige kampanya lang ng marami hehe toinks bawal yan hehe

10.wag iboto ang mga nagtraydor sa ibang kasamahan lalo na sa partido, yung mga dating magka away eh nagbati dahil sa politika, yung nanunumbat sa mga pinautang nya, nambabato ng putik at kung anong gimik para mapansin lang, yung gumagamit ng dahas para mawala lang ang kalaban, YUNG BUONG PAMILYA ANG GUSTONG TUMAKBO  AT MAGHANGAD SA PWESTO (pagbigyan nyo naman nag iba wag gahaman)Sigurado sagot nila tao ang nagluklok sa kanila o yung mga taong binayaran o nauto nila atbp.
     

Lam ko madami akong di naisama pero lam ko lam nyo na lahat yun.Kung matalino ka at bukas ang isip mo sa pagbabago maging iba ka sa iba na naniniwala sa makalumang pamamaraan ng eleksyon. Wag mong payagang tawagin ka o matawag na mangmang. Kung gusto mo ng pagbabago umpisahan mo sa sarili at ikalat at magbigay ng isang magandang liwanag sa iba para mamulat at di na mauto ng mga mapagpanggap at mapagkunwaring eshols. hehe 

Isipin na lang natin na yung mga batang politiko na papasok sa isang puwesto sa gubyerno eh napapagisipan na wala silang eksperyensya at kakayahan para gumawa ng batas at isang kakatawa para sa mga tinubuan na ng ugat dahil kapit tuko na sila sa pwesto. Sino ba ang tunay na trapo at sino ba ang mapag-panggap? 

Ngaun ano ang gagamitin mo sa pagboto UTAK o PAKIKISAMA?



Sabi ko nga dati 

"walang botanteng bobo lahat uto-uto".