Martes, Hulyo 23, 2013

galit ako, galit na galit ako

Minsan sa isang araw di ko maintindihan kung bakit, bigla na lang ako tinotopak o umiinit ang ulo ko. Minsan, sa maliliit na bagay, minsan naman sa di maintindihang pagkakataon. 
Ewan ko di ko alam siguro ganito talaga ang mga taong maiinitin ang ulo. Di ko din alam kung heriditary to o nagagaya. Di ko lam kung gano katagal bago mawala ang banas o asar na nararamdaman ko. Weirdo? di ko alam kasama siguro sa ugali ko to. Di naman tinuro sa school to at sa bahay syempre. Ganun siguro ang tao minsan sobra sa emosyon minsan kulang na, ang iba tigang na at wala na masasaid ni katiting na emosyon. 

Ano ba dapat gawin ko para mawala ito o mabawasan man lang ang aking "KABADTRIPAN"? Umattend ng anger management sessions o pumunta sa isang lugar kung saan may mga banal na tao ang kakausapin ko at bibigyan ako ng payo o magpapatingin sa isang psychologist/psychiatrist para pag-aralan ang estado ng aking utak kung ang lebel ng aking pagkamuhi ay isang kakaibang penomenon o mas maigi kaya ako ay dumiretso sa isang NEUROLOGIST para malaman nila baka may kulang sa mga utak ko. 

Yang mga tanung na yan ay di ko alam ang sagot ni isa dyan ay di ko lam kung pano gawin at kung yan ay aking gagawin. Di ko lam kung my anger management session siguro dito sa atin at syempre hanap ko ay libre. Di ko pwedeng ikonsidera ang pagpunta at makipagusap sa mga banal na tao dahil sa... basta ayoko.

Pero nung nagsearch ako tungkol sa anger management at nakita ko kay kumpareng wiki, ito daw ay isang teknik na kung saan ang isang tao na may mataas na level na agresyon o galit ay tinutulungan mabawasan o mawala sa pamamagitan ng pagpapakalma ng utak at katawan, pakikipagusap sa isang tao atbp.

Kelangan ko ba nito? siguro kelangan ko at ayon sa aking pag-sasaliksik maari kong mabawasan ang aking pagkayamot sa pag-sunod o gawing pamantayan ang mga tips na ito.

No. 1: Take a timeout

Counting to 10 isn't just for kids. Before reacting to a tense situation, take a few moments to breathe deeply and count to 10. Slowing down can help defuse your temper. If necessary, take a break from the person or situation until your frustration subsides a bit.

No. 2: Once you're calm, express your anger

As soon as you're thinking clearly, express your frustration in an assertive but nonconfrontational way. State your concerns and needs clearly and directly, without hurting others or trying to control them.

No. 3: Get some exercise

Physical activity can provide an outlet for your emotions, especially if you're about to erupt. If you feel your anger escalating, go for a brisk walk or run, or spend some time doing other favorite physical activities. Physical activity stimulates various brain chemicals that can leave you feeling happier and more relaxed than you were before you worked out.

No. 4: Think before you speak

In the heat of the moment, it's easy to say something you'll later regret. Take a few moments to collect your thoughts before saying anything — and allow others involved in the situation to do the same.

No. 5: Identify possible solutions

Instead of focusing on what made you mad, work on resolving the issue at hand. Does your child's messy room drive you crazy? Close the door. Is your partner late for dinner every night? Schedule meals later in the evening — or agree to eat on your own a few times a week. Remind yourself that anger won't fix anything, and might only make it worse.

No. 6: Stick with 'I' statements

To avoid criticizing or placing blame — which might only increase tension — use "I" statements to describe the problem. Be respectful and specific. For example, say, "I'm upset that you left the table without offering to help with the dishes," instead of, "You never do any housework."

No. 7: Don't hold a grudge

Forgiveness is a powerful tool. If you allow anger and other negative feelings to crowd out positive feelings, you might find yourself swallowed up by your own bitterness or sense of injustice. But if you can forgive someone who angered you, you might both learn from the situation. It's unrealistic to expect everyone to behave exactly as you want at all times.

No. 8: Use humor to release tension

Lightening up can help diffuse tension. Don't use sarcasm, though — it can hurt feelings and make things worse.

No. 9: Practice relaxation skills

When your temper flares, put relaxation skills to work. Practice deep-breathing exercises, imagine a relaxing scene, or repeat a calming word or phrase, such as, "Take it easy." You might also listen to music, write in a journal or do a few yoga poses — whatever it takes to encourage relaxation.

No. 10: Know when to seek help

Learning to control anger is a challenge for everyone at times. Consider seeking help for anger issues if your anger seems out of control, causes you to do things you regret or hurts those around you. You might explore local anger management classes or anger management counseling. With professional help, you can:
  • Learn what anger is
  • Identify what triggers your anger
  • Recognize signs that you're becoming angry
  • Learn to respond to frustration and anger in a controlled, healthy way
  • Explore underlying feelings, such as sadness or depression
Anger management classes and counseling can be done individually, with your partner or other family members, or in a group. Request a referral from your doctor to a counselor specializing in anger management, or ask family members, friends or other contacts for recommendations. Your health insurer, employee assistance program (EAP), clergy, or state or local agencies also might offer recommendations. 

salamat sa http://www.mayoclinic.com/health/anger-management/MH00102

Di ko pa nasusubukan yang mga tips na yan pero sana gumana. Minsan nga sa sobrang asar ko at kelangan ko pakalmahin sarili ko para di na mahantong sa putok na nguso at basag na ngipin eh sinubukan kong hawakan ang earlobes ko at sabihin whoooosahh whooosahh medyo oki naman sya basta inhale exhale lang.

Dapat lang siguro ibaling ko sa iba ang mga poot na nararamdaman ko maghanap siguro ko ng ibang libangan. Libangan na mag-papawala ng tensyon sa mga kalamnan at utak. Libangan na may kakaibang HIGH (di high na gawa ng espesyal na kemikal). High na pag-natapos mo o naayos mo ay masisiyahan ko. Tama, isang malaking dibersyon ang kelangan ko. Pero magagawa ko kaya yun? ewan ko di ko alam.

Pag uminit ang ulo ng isang tao minsan mahirap pakalmahin kaya dami nag-aaway sa mundo hehe dahil dyan. 



ah ewan, BUSET!!!

Biyernes, Mayo 3, 2013

Sayaw sa Bubog


 
Nung bata ako gustong gusto ko sumama pag bumoboto nanay at tatay ko, pero di naman ako isinasama dahil pang matanda daw ang eleksyon. Araw na ang mga taong nasa legal na edad at tamang pagiisip ay pumipili ng kanilang gusto at sa tingin ay karapat dapat na umupo sa isang pwesto na may mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kanilang balikat.

Oo sila ang mga taong nagpapatakbo sa bayan natin, sila ang mga taong mahilig ibenta ang sarili sa pamamagitan ng mga matatamis na salita baga sugar coated lahat ng kaniyang sinasabi mamili ka na lang kung may laman ang makakagat mo O hangin na may masamang amoy ang mapapunta sa'yo.

Sila din ang nagbebenta ng mga dating kaibigan para gumanda imahe nila, BASTUSAN sa madaling salita. Sila din yung biglang mabait at mapagkawang-gawa sa mga oppressed , sa mga taong may matinding pangangailan sa lahat ng aspeto ng buhay. Sila din ang parang may kamay ni Midas o isang madyikero na parang kahit saan humugot ay may lalabas na pera para sa mabibili nila


Parang may ari sila ng BSP o isang imprentahan ng mga pera sa dami ng nilalabas, isang kaimposiblehang hindi kapanipaniwala. Kahit anong paliwanag na gawin nila kung saan galing ang limpak limpak na salapi ay di ako maniniwala.

Sinong kaibigan ang magbibigay sa'yo ng malaking pera, abuloy ng ibang tao? Shit sa hirap ng buhay ngayon ibibigay mo pera mo sa isang tao na halos di mo alam kung mananalo pang tuition na ng anak o pagkain na ng katulong yun

Sugal? Oo isang sugal ang pagpasok sa pulitika, kaya daming sugarol ang pumapasok kasi sanay na sila mawalan ng pera. Eh sa partido naman galing pera na nilalabas ko para sa kampanya ko. 

Isang tanung na paulit ulit na iisa ang sagot

TANONG: SAAN GALING ANG PERA NG PARTIDO? 
SAGOT: SA MGA KAPWA KAPARTIDO NA INIPON AT KINALTAS SA SWELDO NILA BAGA PORSYENTO SA SWELDO MO (WOW parang may manager kaltas sa talent fee)
Sa totoo di ko lam san nanggagaling yun baka sila din nanalo sa ultimate mega super duper up to 1 million level lotto hehe. EWAN

Sila din ang mga taong snob na pag nakaupo, laging absent sa session kung meron man, o may usaping ayaw nilang pagusapan nag iintay na matabunan. Sila din yung lumago bigla ang negosyo dahil sa kanyang posisyon e.g. janitorial services, agency, realty etc.

Kanya kanyang gimik para magpakamasa na sa hilatsya ng mukha nila eh alam mo namang napipilitan lang. Sasayaw sa entablado ng cha-cha o gentleman, kakanta ng Gyomi o anung sikat na kanta para wag lang antukin ang mga inuuto nila.

Ngayong botohan eto ang mga tips ko para makapili ka sa iboboto mo.

1. Wag mong iboto ang mga kandidato na di sumusunod sa ELECTION CODE. Dapat wala sa pader, pampubliko at pribadong sasakyan poste etc. simpleng utos di sinusunod.

2. Wag mo din iboto yung nangangako na mauubos ang kahirapan at dadami ang trabaho at kung ano man. (self-explanatory)

3. Naranasan mo ang matraffic dahil sa motorcade ng kandidato? Pwes eto na ang oras para gantihan mo sila hehe. Kung concern ka sa taong bayan di ka gagawa ng isang bagay na papahirapan mo ang lahat. biruin mo wala ka masakyan o nakaupo ka sa jeep sa loob ng mahabang oras tapos makikita mo dahilan eh sampung kilometrong walang awang mga sasakyan na may poster ng kandidato.

4. Yung mga kandidatong sumasayaw at kumakanta. Alam mong nanguuto lang hehe

5. Pag lagi mo nakikita sa TV ang mga pagmumukha nila wag mo iboto. Yun eh umeepal lang o gustong maging artista.

6. Pag kamag anak mo ang kandidato wag mo iboto. Isipin mo may ginawa kapalpakan o nasangkot sa isang malaking kontrobersya ang kamag anak mo. Uusigin pati patay na kamaganak mo ng taong bayan. Nakakahiya di ba?

7. Kung minsan eh bigla ka nagigising dahil sa isang masakit sa tengang tugtog mapa umaga o tanghali na umaabot minsan ng hanggang gabi. Buset noise pollution yan eh. Sana sa susunod gumawa ng batas na live ang kumakanta ng campaign jingle para magsawa sila sa ganung style. Yung iba matalino sa motor inilagay para kahit sa masisikip pwede idaan. Nagbayad kaya sila sa rights ng mga kanta sa pag gamit nila para sa jingle...hmmm 

8. Yung mga nagpapaka masa. Kumakain ng nakakamay, yung nakikipagusap sa ibang lebel ng tao, hayop, bagay atbp pero pagdating ng upuan sa opisina ang mga pangako sa masa nawala at ang para sa tumulong sa pondo ng kampanya ang kanilang tinulungan.

9. Nagbibigay ng tip o kung ano pa man yan o bumibili ng boto syempre pag 1 thousand ang bigay pwede pero pag mas malaki pa sa 1k aba hehe sige kampanya lang ng marami hehe toinks bawal yan hehe

10.wag iboto ang mga nagtraydor sa ibang kasamahan lalo na sa partido, yung mga dating magka away eh nagbati dahil sa politika, yung nanunumbat sa mga pinautang nya, nambabato ng putik at kung anong gimik para mapansin lang, yung gumagamit ng dahas para mawala lang ang kalaban, YUNG BUONG PAMILYA ANG GUSTONG TUMAKBO  AT MAGHANGAD SA PWESTO (pagbigyan nyo naman nag iba wag gahaman)Sigurado sagot nila tao ang nagluklok sa kanila o yung mga taong binayaran o nauto nila atbp.
     

Lam ko madami akong di naisama pero lam ko lam nyo na lahat yun.Kung matalino ka at bukas ang isip mo sa pagbabago maging iba ka sa iba na naniniwala sa makalumang pamamaraan ng eleksyon. Wag mong payagang tawagin ka o matawag na mangmang. Kung gusto mo ng pagbabago umpisahan mo sa sarili at ikalat at magbigay ng isang magandang liwanag sa iba para mamulat at di na mauto ng mga mapagpanggap at mapagkunwaring eshols. hehe 

Isipin na lang natin na yung mga batang politiko na papasok sa isang puwesto sa gubyerno eh napapagisipan na wala silang eksperyensya at kakayahan para gumawa ng batas at isang kakatawa para sa mga tinubuan na ng ugat dahil kapit tuko na sila sa pwesto. Sino ba ang tunay na trapo at sino ba ang mapag-panggap? 

Ngaun ano ang gagamitin mo sa pagboto UTAK o PAKIKISAMA?



Sabi ko nga dati 

"walang botanteng bobo lahat uto-uto".




   

Linggo, Marso 10, 2013

BUHAY SA KABILANG MUNDO


  Ano ba ang punto ng buhay? mabuhay para mag-hirap, magpahirap, mangarap, sumaya at magpakasaya atbp.

Para sa iba siguro ang buhay ay parang isang malaking kamalasan dahil sa nangyayari sa kanilang kapaitan at walang bahid ng kaligayahan. siguro sila ang mga taong pinagkaitan ng mga makamundong kagamitan at kaligayahan, sila ang mga taong pilit nabubuhay para mabawasan ang hapdi sa tiyan, sugat sa katawan at matinding dagok sa emosyonal na aspeto. Sila ang mga taong hinihintay na lang ang kamatayan para mawala na ang dusa na pinatikim sa kanila ng buhay. Buhay na inumpisahan at natatapos ng puro pighati at kadiliman.

May ibang tao naman na habang buhay kumakayod para sa kanilang pamilya para matustusan ang bawat pangangailangan. Sila ang mga nasa tamang antas ng pamumuhay. Masasabing di pinagkaitan ng tadhana. Pero kayod ng kayod pero ang asenso ay sadyang napakataas. Para kang umaakyat sa isang hagdan na di mo makita ang dulo. Masasabing isa din biktima ng pang-aabuso.

Ang iba naman ay sadyang pinanganak na nasa taas. Na kahit di sila mag banat ng buto ay kakain pa din sila ng 3 o 5 beses sa isang araw. Parang sila na ang pinanganak sa langit na katabi ang diyos. Sila ang mga taong minsan di dumidikit sa ibang lebel at antas ng pamumuhay dahil sila ay nadidiri lalo na yung asa ilalim ng nasa ilalim. Yung iba na may kasama sa iba antas ay di mo lam kung pakitang tao sila o nag papanggap na sila ay parte ng masa. Umiiwas lang ba sila para di matawagang matapobre pero sa kabilang banda ay kinukutya nila ang kanilang karanasan at mga taong nakasalimuha nila. Isang malaking pagkukunwaring banal.

Ilan sa mga taong ito ang kakilala mo? Ilang tao ang kakilala mo sa iba't ibang level, ilan dito kilala mo na nagpapanggap, ilan naman ay iniiwasan dahil sa maraming aspeto at dahilan, ilan naman ay naghahangad at naghahanap ng madaliang pagginhawa sa pamamagitan ng marahas at pangaabuso o di kaya sa pag lapit o pag kapit sa isang tao na nasa ibang antas ng pamumuhay. 

Mahirap magpanggap na di ka naman talaga galing dun at mahirap din magpanggap na magpapakamasa ka kung di ka naman makamasa. Ang kapaligiran natin ang unti unting kumukuha ng ating dignidad at pagkatao. Ang mga taong pilit ginagaya mga taong gustong maghangad ng sobra mga taong nabubuhay sa tamang pamamaraan at ganun din sa mga kapit sa patalim para makuha lang ang gusto nila. Iba iba din ang pananaw ng mga tao sa pag papakasaya at pagpapakasasa iba din ang pananaw sa pagpapakahirap at pagsisikap. Ayon sa nabasa ko"People were created to be loved, Things were created to be used. The reason why the world is in chaos is because things being loved and people are being used."

Sino dapat sisihin sa ganitong eksena? Diyos ba? Gobyerno? o ang mismong lipunan? Media? Kung iyong titingnan maigi kahit siguro sa isang kolonya ng mga hayop meron isang tumatayong lider kasama sa maharlika at meron din namang mga hayop na itinatakwil mga nilalang na sadyang pinagkaitan ng kanilang lipunan. 

Kahit siguro mag restart ang mundo ganito pa din ang mangyayari laging may tatayong agresibo, mapusok, matapang. Lahat tayo ay may kakayanan pero lahat din tayo ay madaling sumuko. Siguro nga lahat ng bagay ay makabaligtaran at di na mababago yun. Ang pagkakaroon ng pantay pantay na pamumuhay sa lipunan ay malabong mangyari yun at yan ang masakit at mapait na katotohanan ang buhay sa kabilang mundo...







 


commercial

Miyerkules, Enero 2, 2013

KUHA SA MATA NG ISANG POSERO








                                                                                 .


                                                                                    .

                                                                             .

                                                                                 .

                                                                                 .


                                                                               .


                                                                               .

                                                                                  .

                                                                                   .

                                                                                    .

                                                                                  .

                                                                                 .

                                                                                .