Biyernes, Marso 16, 2012

Miseltots pangalawang katikalan

  Mga pinag sama samang ideya, puna, at mga katikalan.

 
Umistayl 1

 Nung March 4 nag desisido ako na putulin ang aking mahabang kulot na buhok, kaya eto ang top 10 dahilan kung bakit ako nag pagupit

10. mainit na sa batok
9. wala na pambili ng shampoo at conditioner
8. nalagyan ng bubble gum
7. nainggit sa buhok ni Ely Buendia
6. pwedeng nagsawa na
5. naisipang baka mas lalo ako kumisig pag nag pagupit
4. tinamad na
3. nahihilo na masyado sa spinning headbang sa harap ng salamin habang nakikinig sa metal na musika
2. tumataas na ang hair line dahil sa kakapuyod nababanat
1. ginaya ang buhok ng isang sikat na italyanong pornstar sa bida ng sikat na Tarzan X

 Kahit maiksi na buhok ko metal pa din ako "MABUHAY ang mga METAL" hehe






Musika 2








 Malapit na ilabas na ng isa sa paborito kong banda ang The Mars Volta ang bago nilang album na Noctourniquet pagkatapos ng matagal na hiatus natapos na ang paghihintay ng mga fans nila kasama na ko dun.
 Ano ba masasabi ko dito sa album nila ngayun hmmm... una ko napansin nawala na ang mahahabang kanta tulad nung nasa unang 2 na album yung De-loused at Frances the Mute na minsan umaabot ng ilang minuto sa haba pero astig talaga ang tugtugan. Di gano mabigat ang gitara siguro talagang nag evolve na sila Omar at Cedric (tropa ko sila) yung sa Octahedron medyo parang acoustic sobrang gaan pero swabe. Katulad din eto ng bago nila minsan nga may isang kanta (the malkin jewel) na akala ko guest si Mick Jagger hehe.
 Siguro pag fan ka ng isang banda kahit ano ilabas kahit medyo eksperimento magugustuhan mo. Ako sa kin panalo sa kin bago nila album na Noctorniquet.

 Teka san ba galing ang The Mars Volta sila ay galing sa banda na At the Drive In na nag pasikat na madaming kanta tulad ng one armed scissor nung nag disband sila nabuo ang dalawang banda na Sparta at The Mars Volta yun pwede nyo din sila puntahan sa link na to 


http://www.myspace.com/themarsvolta
http://en.wikipedia.org/wiki/The_Mars_Volta




Malapit na at nailabas na 3

 Dami nating inaabangan mapa musika, pelikula, syota, jeep (kahit strike) tumaas ang sahod (sana) atbp. Mas inaabangan ko ang mga nasa pelikula at musika.


 Pelikula



AMERICAN PIE REUNION 


 Tagal ko na gusto matuloy to at salamat ginawa din nila. Makikita ko na uli ang band chick at anak ng legend at syempre the stifmeister, rakenrol. Astig April 6 papalabas.

avengers 


 Astig to siguro eto ang magpapahina sa xmen kaw ba naman pinagsama sama si captain america iron man hulk thor na nung ginawang pelikula ay kumita ng malaki sa takilya. Ganda talaga ni scarlett johanson na sa ironman lang ako nagandahan sa kanya lalo na may nag leak na pics nya hehe.




The Dark Knight Rises

 Wala ako masabi dito kundi antayin na lang palabas to. Idol talaga si Christopher Nolan




spiderman  

 Di ako ineteresado dito hehe

Musika
 

Cannibal corpse at last nalabas na bago nila album pagkatapos din ng matagal na panahon title pa lang ng album panalo Torture. Pakinggan nyo na lang hehe
 

Gorod technical death metal galing sa France huli ko pakinig sa kanila eh yung EP na transendence na yung iba remake at panalo yung instrumental na acoustic astig talaga. Di ko pa napapakingan bago nila album
 

lamb of god masasabi ko eksperimento pero wala tumatak sa isip ko na pwede patugtugin ng madami sa mp3 player. Sorry sa mga fans
 


crosses side project ni deftones head chino moreno medyo matagal na pero ngayun ko lang napansin. Medyo ambient at shoegaze tong banda na to nakakatuyo ng utak iba sa banda nyang deftones. Pwede rin pareho sila ng tunog sa isa nya side project ang team sleep na nagpatuyo din sa utak ko ng matagal hehe

Meshuggah 

 Kelan pa huli nila album? tagal na din inilabas ang Obzen na may kantang combustion, bleed madami pa. Teka sino ba tong meshuggah nato ha? di nyo sila kilala? sila ang nagpasikat at ama ng math metal o djent na ginawang mathcore para sa mahilig pagsamahin ang hardcore at iba pa. Napakinggan ko na 2 sa track ng bago nila na album na pinamagatang Koloss. Masasabi ko wag na nila ko pasabikin, mahal ang pre order kasi kaya di ako makapagpareserve pero pag labas neto siguradong sold out to lalo na sa mahihilig sa metal na musika.
 

gojira pranses na death prog metal  tagal na nila sabi sa page nila na ilalabas na album nila kaso ang tagal pa ilabas hay kainip.

Sahod hehe sana dumating na tumaas at maayos ang lam na hehe



Pantasya 4


 Mag papasko busy ang lahat sa pamimili ng mga regalo at damit o gamit na bago para sa dadating na kasiyahan na buong mundo ang magdidiwang.

 Pamatay ang trapik, dami ng tao, daming mangungupit, daming mura marami ding mahal kahit sale na.
 Mga alas nuwebe siguro nung naisipang umuwi namin ng aking espesyal samwan mula sa maghapong paghahanap, pagpila sa cashier, at t
pagbuha ng pinamili. Simula nung nawala na terminal sa may likod ng Landmark dun na kami sumasakay sa may ilalim ng terminal ng mrt sa mag goldilocks. Ang nakakasama ng loob eh kahit nakapila kami eh puno talaga yung mga bus na dumadaan hanggang maubusan kami neto. Uumagahin kami kung magaantay lang kami dun kaya sinalubong nanamin ang bus bago pa to makarating sa dapat nya tigilan at suwerte nakasakay na kami papuntang Pacita. 
 Sa sobrang pagod namin nakatulog kami di na namalayan bababa na pala kami. Pagbaba namin sa bus sumakay na kami ng jeep pa Cabuyao.
  Habang binabagtas namin ang kahabaan ng daan tumigil ang jeep sa Olivarez para pasakayin ang nag aabang na pasahero. Laking gulat ko ng sumakay ang 2 babae na masasabi kong uber hot, mukha galing sila sa isang outing kung san man dahil sa laki ng bag na dala nila. Yung isa matangkad na unat at maiksi na buhok yung isa mahaba at medyo kulot ang buhok ang pinagkapareho lang ng suot nila ay pareho silang naka pekpek short ba yun. Kagat sa daliri dahil astig nila hehe habang umaandar na yung jeep siguro nasa may Perpetual na yun ng napalingon ako sa dalawa nakita ko magka holding hands sila at nakahilig ang ulo. Shit! sabay kagat sa daliri.
 Ewan kung ano man ibig sabihin nun pero sa iba makakita nun iba din iisipin siguro sa ibang tao at pananaw nila hehe.
 Habang lumalayo kami at lumalalim na din ang gabi nagulat na lang ang lahat na sakay ng jeep ng biglang pumereno ito at nadala lahat sa may dulo ng nakita ko yung isa sa babae na kaharap ko ay nadala at napabukaka dahil sa lakas ng preno ng may napansin ako na parang puti sa bandang laylayan ng kanyang maiksing shorts (di ko lam tawag dun)
 Hmmm ano kaya yun liner o kaya wings ng napkin o tampon o bulsa. Ewan kung ano man yun basta natawa lang ako... Bumaba sila sa may rotonda sa Platero at habang lumalayo na kami napaisip ako may video kaya sila...
                           
                             PILYO



Huwebes, Marso 15, 2012

SAISLA part 2


Day 3 Island Hopping

6:00am ready na kami nag aantay na ang kinontrata naming trike na nagkaroon ng konting aberya eh umayon din.Mga humigit kumulang 30 minutes din siguro ang layo ng Honda Bay mula sa aming tinitigilan. Mas maganda kasi umalis ng maaga para may maabutan ka na mga bangka at makita mo pa ang pagsikat ng haring araw na sadyang nakakamangha at siguro sinuwerte kami dahil ang ganda ng panahon nun, kahit di kami nag alay ng itlog sa Saint Clare. Pag dating namin dun ay nandun na ang 2 pa sa kasami namin sa bangka na nakilala namin sa Aniceto's Pension House. Nagparehistro kami bale pumapatak na 1500 php 6 pax / 250/pax kung may additional, 150 sa snorkel, 150 sa waterproof camera case. Nang nagkaayos na kami yun ready to go na kami sakayan ng bangka.

First stop Starfish Island

  Mga 20 o 30 minutes siguro byahe namin habang dinadaanan ang mga ibang isla lalo na ang LuLi island, litaw pa sya sa oras na yun hehe. Bumaba kami sa Starfish Island at kami pa lang ang tao para kami ang unang nakadiskubre nun. 

 50 pesos ang entrance, maganda ang lugar kita mo yung mga mangroves o bakawan (di ako sigurado kung yun nga yun hehe) mga maliliit na alimango, mga magandang view at kita mo din dun ang sabi nung bangkero ay Underground River astig. Konting lakad tapos konting picture. Galing nga ng mga bangkero dito tour guide na, photographer na, swim/dive/snorkel instructor, marine biologist pa astig package deal. Yun umpisa na ng snorkeling. Unang try ko mag snorkel sarap pala hehe kakaadik. Kaso di lang talaga ko marunong lumangoy. 



Isla Pandan Resort 

 Pinaabot na namin ng tanghalian ang pagpunta namin dito sa magandang isla na to. Pagbaba namin ng bangka naghanap na kami at ni Kuya Michael (bangkero namin) ng cottage. Badtrip naubos na ang mga cottage kaya nag tyaga kami sa umbrella dahil yun na lang ang available 100 pesos ang renta at mas mura sa cottage na 400 pesos.Susyal kami kaya di kami nagbaon kumain kami sa isang bar (nakalimutan ko pangalan) dun na nagseserve ng mga inihaw meals tulad ng BBQ, Liempo, Pusit na sobrang lambot kaya ang sarap ng kain ko dun (syempre di mapait to) atbp.   
  
 May mga pwede ka bilihan ng mga isda tapos paluto mo kasama na din paluto sa kanin o kaya pwede din sa mga bangkero kaso di namin nagawa yun. 


 Pagkatapos kumain nagumpisa na kaming galain ang mala paraisong isla na to. Nilakaran namin ang maputi at pinong buhangin kasabay mala musikang alon ng dagat. Makikita din ang pwede mo gawin habang nasa isla ka. 


 


 Pwede ka mag kayak, mag snorkel (rakenrol ang mga reefs dito at mga isda) mag pa picture sa banana boat at jet ski sa halagang 10 piso.



  Mas maganda kung mag dadala ka ng tinapay kung mag snorkel ka dahil pwede mo pakainin ang mga isda dun na nakakatuwa dahil mararamdaman mo yung mga kagat ng mga isda habang kumukuha sa hawak mong tinapay. 








Pambato Reef


 Pag katapos namin sa Isla Pandan, Pambato Reef na pinuntahan namin. Kala ko nung una isla to pero isa pala tong magandang diving spot. Una palang kapansin pansin na ang malaking floating pawikan. 

50 pesos ang entrance kung mag snorkel ka pero libre pag punta ka lang dun. Parang Takeshi's Castle yung lakarin dahil medyo magalaw yung daanan dahil sa malakas na alon. Kaya parang lasing maglakad pagewang gewang at bumabalanse habang hinahampas ng alon ang daanan. 
 
  Yun ready na kami si Kuya Michael ang aming all around bangkero inaantay na kami dun sa dagat kaya sinuot ko na ang life vest, pang snorkel, at yun kumapit na sa salbabida at tinour na kami.
  

 Dami mo makikita sa ilalim mga eel, giant clams, isda, corals dami di ko na tanda yung iba. Nakakamangha lang talaga ang ganda. 



 Astig nga at naalagaan nila yun sana ganun din sa ibang lugar sa mundo para balanse lahat. 

  Madami pang pwede puntahan na isla kaso yung iba di na pwede tulad ng snake island na pinasara para sa rehabilitation program ng lokal na pamahalaan at ang Luli island ewan dinaanan na lang namin. Pag balik namin sa pantalan napagkasunduan namin na bigyan namin ng tip ang mga bangkero sa magandang serbisyo na binigay samin dahil galing nilang tour guide. Naalala ko tuloy yung dati naming kasama sa bahay dahil kamukha nya yung isang bangkero.
 
 Bad trip lang dahil wala pa dun ang aming sundo na trike dahil ewan siguro di nagustuhan ung napagkasunduan namin na presyo. May trike dun na nag aabang na pwede maghatid sa min gang Aniceto pero swerte may nakita kami na multi cab na 25 pesos ang pamasahe gang bayan na yun. Tapos bumaba kami uli sa Tiangge Tiangge para sa pahabol na pasalubong. Nakakapagod ang araw na yun para sa min kaya nag pahinga muna kami at nag palamig kaso kelangan namin mamili ng pambaon para pagpunta namin sa Sabang. Kaya punta kami ng espesyal samwan ko sa palengke para mamili ng pambaon para kinabukasan. niluto, pinalamig tapos sabay hagok na. 






Next Underground at Ugong
 

Biyernes, Marso 9, 2012

7 years

7 years



undying love
no one can stop
everyday
unbreakable

heart beats
a covenant, a vow
ardent declarations
love and devotion


7 years and more
of promises and fidelity
dreaming the dreams
and fulfilling it  


time will pass
everything will fade
be there
forever


HAPPY 7 YEARS

Sabado, Marso 3, 2012

SAISLA part 1





 Mahigit 2 linggo na din siguro nung ako ay nakapagbakasyon sa isang lugar na sadyang napakaganda, nakakaadik ang kasimplehan ng buhay at talagang nakakawala ng gigil mula sa trabaho. Parang kasama sa pagunlad ng lugar ay napanatili nila ang kagandahan ng lugar at simpleng pamumuhay dahil siguro ay kasama yan sa plano ng lokal na pamahalaan ang ganitong polisiya o perspektibo. Pangalan palang ng lugar na ito ay prinsesa na talaga pati kagandahan neto ay parang isang tunay na prinsesa at buong kaharian ay isang paraiso parang nasa EDEN ako wag lang makikita yung ahas, baka maalok ako ng kung ano eh kagatin ko hehe



Day 1: Arrival


  Sarap talaga sa Palawan kahit di ko napuntahan ang ibang paraiso na binibigay ng lugar na ito pero swerte pa din ako nakapunta ko sa Puerto Princesa. Mga 5:00 ng hapon siguro nung tumungtong ang paa ko at 7 sa aking mga kasama sa lugar na aking / aming tutuklasin. Paglabas pa lang ng airport eh mapapansin mo na agad ang mga tricycle na parang pang Fast and the Furious ang itsura astig nga eh.

 Nagpahatid na kami sa lugar kung san kami titigil ng ilang araw sa Aniceto Pension House touch down ika nga. 


 Napansin ko sa mga trike driver eh para na rin silang tourist guide astig. Konting pahinga lang at nakaramdam kami ng gutom naisipan naming mamalengke at magluto at kasama naman to sa bahay na titigilan namin libre magluto woohoo at libre WIFI isa pang woohoo. Target agad namin ang seafoods na masasabing mas mura kesa dito sa Laguna. Pagdating sa palengke lalo na sa may isdaan yung ibang isda di ko kilala yung iba di ko lam kinakain pala yun, ang natuwa ako nung nakakita ko ng tulingan yung mukhang bagong huli ganda pa parang sarap ipangat tapos prito yummy, ang natuwa pa ko dami hipon, alimango, pusit (masarap to di maalat hehe) syempre hipon binili namin wala ng patumpik tumpik umuwi na gad kami at niluto na nila yung binili naming hipon pagkatapos ng konting oras ayun may prawns in butter and garlic at bagawbaw na kanin ayun bundat agad hehe. Pag kakain konting pahinga para di mabangungot tapos tulugan na para sa aktibidades kinabukasan.



 

Day 2: City Tour

 
 Umaga,nilakad ko at ng aking espesyal samwan (naks) 




simula sa ming tinitigilan binagtas namin ang daang papuntang Baywalk habang naglalakad inobserbahan namin ang mga kabahayan at mga tao nakita namin ang simpleng buhay sa likod ng malaking lungsod.
 Pagkatapos hangaan ang ganda ng Baywalk umuwi na kami dahil di namin alam kung nag hihintay na sa amin ang kasama namin dahil walang signal ang mga cellphone namin.
 Unang destinasyon namin ang  Immaculate Conception Cathedral . Di ko lam kung may kasabihan nga na ganito na "Una mo puntahan pag bago ka sa lugar ay ang simbahan" ewan kung meron nga nun pero Linggo naman nun isa na rin yung respeto at pag bisita sa Simbahan. Masyadong istrikto ang polisiya nila kaya nanatili na lang ako sa labas dahil bawal ang mukhang nakapambahay lang hehe baka makarinig ako di ako rumerespeto eh baka maupakan ko lang sila (biro lang). 


 Next stop Butterfly Garden  matagal din ang byahe papunta dito galing sa Cathedral. 25 pesos entrance. Pagpasok at konting libot konting picture sa mga paro-paro solve, pero natuwa ako dun sa mga ibang insektong nandun yung mga Scorpion (di yung banda), Centipede, Atlas Beetle (ata yun), Stag Beetle (na may panipit putol daliri mo)Walking Stick Insect yun. Pinaka natuwa ako eh yung sa mga Tuko, naisip ko baka dun lang napupunta yung mga binebenta na tuko hehe.
 "Konting lakad lang" diretso na kami sa Mitra's Ranch mga 30 minutes na lakad at pataas na lakarin ang nangyari, kasalanan to nung babae sa Butterfly Garden!.


  Yung bahay sa Mitra Ranch eh makikita na natin sa maraming pelikula ng mga nakaraang taon kalimitang bahay ng mga congressman, governor o mga bosing ng mga sindikato sa mga action movies. May zip line din sila, asa kanila ata yung may pinakamahaba na zip line mga 500 O 600 ata ang bayad. 

  Konting pahinga mula sa init ng araw at mala Death March  na lakad punta na kami sa pinakakaantay ko ang "SEAFOODS ALL YOU CAN" sa sikat na Baker's Hill.

 11:30 start ng eat all you can nila sakto dating namin dahil gutom na gutom na kami biruin mo 400 pesos lang wantusawang sea foods, dessert, Filipino Thai foods at malamig na tubig ang makukuha mo. Di ko tanda kung nakailang balik ako para kumuha ng pagkain sa mga ensalada, camaron rebusado, pancit canton, inihaw na hipon, blue marlin, pusit, rock lobster, tempura yung iba di ko na tanda. Desserts panalo din yung mga crepe, cake, pakwan, ang dami nila di na mag kasya sa malaki kong tyan


 Parang dinaanan ng bagyo lamesa namin halos di na kami makagalaw dahil sa bigat ng tyan parang sa istorya ng mabangis na lobo na nilagyan ng mga bato ang tyan. Sabihin na nating "Wagas" ang Baker's Hill, nabundat akong maigi di na makahinga sa dami ng nakain. Sa likod neto may isang parke na pwede pag piknikan ng pamilya, barkada, lovers at kung sino sino pa. Astig talaga ng lugar na to panalong panalo sa kin. Sa harapan may bakery dun na pwede ka bumili ng mga baked goods syempre bakery nga eh. Sabi nila yung Hopia nila eh rakenrol na sa sarap kaya sinubukan namin ang hopiang monggo at ube na bagong luto pa. Pero paguwi ko na natikman dahil busog pa din ako sa mga oras na yun. 

  
Konting tingin sa mga bilihin sa labas ng bakery eh pumunta na kami sa Irawan Crocodile Farm  di ko tanda pamasahe namin sa trike mula Baker's gang Crocodile Farm pero entrance 40 pesos ata.

 Sa loob ng building makikita ang 5 metrong skeleton ng buwaya, pinakamalaki na nahuli nung 90's ata na pinaniniwalaang kumain ng isang bata. Yung balat ng buwaya ay naka sabit sa dingding una ko nga hinanap baka my nakasabit na tsapa sa balat ng buwaya. Sa likod eh makikita yung ibang maliliit na buwaya yung pinalalaki nila (para gawing sisig ata biro lang) konting lakad pa eh makikita mo yung parang spa ng mga buwaya yung iba ang dami kaya pag nalaglag ka dun sa daanan eh ubos pati buhok mo sa kilikili. May isa pa dun na siguro yun ang pinaka mayor sa lahat nagsosolo lang sya sabi nila 60 years old na daw yun. May card kaya yung mga yun senior citizen na eh.
  
 Sa labas makikita yung pwede mo mahawakan yung bearcat pati yung maliit na buwaya na pwede ka pa magpa picture "Kodak moments" baga. Meron din dun bilihan ng mga pasalubong mga T shirts, key chain atbp at kainan na nagseserve ng buwayang sisig na di ko tinikman dahil sa ayaw ko eh.
 Pagkatapos ng mga 30 minutes siguro uwian na ang problema wala trike na available para maghatid sa amin sa bayan. Kaya naisipang naming maglakad ng konti at sinuwerte may paradahan ng multi cab dun hanggang bayan 20 pamasahe papunta bayan tingin ko oki na din yun. Bumaba kami sa Tiangge Tiangge isa sa huli mo o pwede puntahan ng city tour mo. Kung mahilig kang mag bigay ng pasalubong dami mo mabibili dito mga fresh water pearl, mother of pearl, key chain, dekorasyon sa bahay, T shirts, daing, bags, burloloy at marami pang iba. Kung kulang ka naman ng cash pwede ka dun sa kabila may aircon tsaka pwede credit card. May cashier dun na lalaki ba yun kamukha ng HR namin hehe
  At last uwian na pagkatapos ng maghapon na gala lumapat na likod ko sa kama at saglit lang may libreng hapunan na adobong pusit na luto ng asawa ng pinsan ng espesyal somwan ko. Pag katapos kong tunggain ang 2 boteng sanmig light tulugan na at maaga pa kami para sa susunod naming adventure.
 
Day 3 Honda Bay, Day 4 Subterranean River 
TO BE CONTINUED...