Lunes, Pebrero 27, 2012

Miseltots (miscellaneous thoughts)

   Mga pinag sama samang ideya, puna, at mga katikalan.


DISMAYA 1
  
     Minsan nung ako ay subsob sa trabaho ng biglang lumapit ang workforce para magtanung kung may gusto mag OT.
  Hay minsan nakakarindi na rin minsan pag nagtatanung ng "please post shift ka naman 1 hour o 30 minutes lang" yan ang pinaka pamatay na pick up lines baga nila.
  Yung iba nag bingi bingihan, yung iba nakuha sa tingin, yung iba walang patumpik tumpik pa oo na agad.
  Naalala ko tuloy nung nag aapply ako lalo na sa interview na kung willing ba ko mag render ng OT at ng RDOT, syempre sagot ko na may yabang OO naman ako pa hehe malamang ganun din ang mga sagot ng iba na nag aaply din.

  Ang pinatataka ko nung natanggap na eh parang naging iba na aba't ayaw na mag OT parang asan na yung yabang na sinasabi nung interview na "Yes Ma'am" daig pa kaming matatagal kung makatanggi.
  Nung bago pa lang ako, mayabang ako minsan nag OT ako kahit di pilitin,kahit minsan di ko na tanda pag dating ng suweldo kung napasama nga yung OT ko o hindi.
  Ang punto ko eh pagbago ka pa eh magpakitang gilas ka muna patunayan mo muna na yung sinabi mo sa nag interview sayo, di yung sabi mo na "pass muna". Halos araw araw yun ang sagot, hay tsaka ka na tumanggi pag astig ka na at medyo matagal ka na di yung pakita mo gad kulay mo.
  Tamad ako pero lam ko responsibilidad ko hehe...
 Naalala ko tuloy uli yung tanung sa kin nung interview ko

 "If i hire you right now and a good company offers you a
good salary than ours, are you gonna accept that or you'll stay with us?" parang ganun, sagot ko "My loyalty stays first with the one who hires me and it may last if they pay me back all the loyalty that i've given to them" naks naman pero mukhang di bumalik eh hehehe





 Puna 2


  Tuwing umaga pag papasok ako lagi ako may nakikita na mga matatanda, may ibang di gano katandaan na naka pang exercise o pang aerobics o pilates na kasuotan ah basta ganun.
 Habang sa pagmamasid ko araw araw (kasi dun lang ako nadaan) nalaman ko kung san sila papunta, may session pala sila sa isang parang pribadong lugar, ito isang park na kung tingnan ay mukhang tahimik kahit malapit to sa daanan ng maiingay na sasakyan at mga trak.
 Sa konting tyaga nakita ko din yung sesyon at dahilan kung bakit sila nakasuot ng ganun, may isa palang parang free class o may bayad na ehersisyo para sa kanila o parang proyekto ng lokal na baranggay para dun sa mga health conscious, mga health buff, mga na stroke at marami pang iba. 
  Astig nga eh may instructor pa sila at may sounds pa sila dun na sadyang mapapaindak ka. Napansin ko madami din sila sa sesyon na yun, araw araw yun. Napuna lang ng kulot kong isip (kaya siguro kulot buhok gawa dun) eh mag pro health/life sila sa isang lugar o parke para sa mga patay! 
  Siguro pwede naman maghanap ng alternatibong lugar para sa kanilang aktibidad tulad ng subdibisyon o isang malawak na lugar na bakante na pwede nila pag eksersisyuhan.
  Ewan din baka yun lang ang lugar na pwede at sabagay parke din naman yun kaso parke sa mga patay.

      Ah ewan! 
  Natawa na nga lang ako kasi minsan nakita ko sumasayaw sila na parang yung sayaw sa music video ni Michael Jackson na "THRILLER". Baka sa lakas
ng tugtog nila eh bigla mabuhay ang mga nakalibing dun at makisayaw o makiehersisyo din sa kanila. 

    Ewan di ko talaga magets!



 YAMOT 3 

  Kaya nga tayo napunta sa beach para purihin ang magandang lugar, namnamin ang hangin na sariwa, yakapin ang init ng araw at haplusin ang alon ng dagat hanggang may dumampi na tubig dagat sa ating mga labi na medyo kaalatan.
 Bat ka magtitigil lang sa isang lugar na malilim at hintayin mong matakluban ng ulap ang araw o maghapon na para makapag tampisaw.
 Isa uling malaking EWAN, wala ko pakelam kung mangitim ako kahit dina ko gumamit ng sunblock. Ang mahalaga naenjoy ko naman ang araw, ang lugar, at kapayapaan dala ng alon ng dagat.
  Wala lang, sabagay di naman ako artista at model o panggap na artista at model hehe.


 SALAMAT 4 


  Tagal ko na din di nakagawa ng blog sa kadahilanang sobrang dami umuukupa sa oras ko hehe... Kaya naisipan ko gumawa ng pinag sama samang "KATIKALAN".
  Salamat nga pala sa mga sumusubaybay sa kin kahit papaano madami naman bumabasa ng mga kalokohan ko katulad nila boy TV5 AKA Tubid , Kuya Tonipet, Kababata, (by special request yang 3 na yan hehe) Sir Idol (na lagi nagtatanung kung may bago hehe), Ms No R (may request pa) yung nag follow gamit Google Plus  tulad nila gibs, dyosa, utol. tatlo pa lang sila heheh at sa maraming pang iba malaking SALAMAT!!!
 








  Next topic My trip to Palawan
 

 

Biyernes, Pebrero 10, 2012

iAnnoyed



  May mga pangyayari lang talaga na di natin maiiwasan mapaisip kahit gano tayo mag pilit  minsan di talaga natutuloy siguro tama nga yung kasabihan na "pag di uukol, di bubukol" medyo makaluma to pero sa nabasa ko sa  blog (wala ko permiso hehe)na to "Kung uutot, babantot" hehe astig no! bersyon ko naman nyan eh "Pag di aari, may gumago" hehe rakenrol.
  Pero minsan nakakasawa talaga yung paulit ulit na pang yayari na yan. Buwisit talaga yang mga ganyan sakit sa ulo. Yung akala mo sayo na pero di pala dahil pinaasa ka lang dahil akala mo "QUALIFIED" ka yun pala parang ginawa ka BUTAW yung mga ganung bagay o kaya may inaantay ka bagay pero nung malapit na dumating eh di pala pwede mabili kasi pwedeng out of stock na o out of stock na din ang pera mo kasi nagkaron ng malaking pagkakagulo sa pinansyal na aspeto na di mo maintindihan sa mga tagatuos ng pinagpaguran mo mga malaking "BUSET" ang mga ganun.
  Gang ngayon masakit pa rin bagang ko dahil sa sobrang pigil at pang gigigil sa mga pang yayari na pwedeng masabing gaguhan na hehe. Hay (malalim na buntong hininga) na lang ang sagot sa lahat kahit "SILA" di nila maipaliwanag kung bakit nagka ganun ang mga nangyari sa pera namin hay wala ka MASISI dahil sa ayaw nila AMININ nila ang pagkakamali nila o nilayasan na sila at kami ng mga dating taga kuwenta. Isa pa uling malalim na HAY!!! 
  Sana sa dadating na bigayan ng pera ay maayus na ang kapalpakan at ng MAKAPAGBAYAD na ko ng INUTANGAN ko kasi PAPATAYIN na nila ko kasi dami na nila lagi na nakasara pintuan namin dahil ayaw ko malaman na may tao sa bahay. Pati mga aso, ahas, gorilla, oso, baboy damo lahat na mababangis na ANIMAL andun sa harapan ng bahay namin para wala na mag tangka lumapit minsan nga gusto ko kunin lagay ang isang TAO dun sa harapan namin para pag nag salita yung may "SUMPA" na kasama parang si GANDALF lang sisigaw na "YOU SHALL NOT PASS" lupet nun hehe
  Pero tama na yan nakakapagod na SCENARIO na yan hay tingin ko di na matatapos yan parang isang malupet na "cliche" na lang sa trabaho yan minsan kahit gano na ka stress at gano ka toxic ang isang work place minsan kelangan natin ng breather para kahit papano mawala yang mga malalaking issue na yan kahit papaano kahit pagbalik mo eh andyan pa din haharapin mo hehe...
  Buti na lang pinayagan ako magkaron ng 4 na araw na bakasyon kahit mukhang malaking counter punch kay Junior "Cigano" dos Santos ang ginawa ko eh nakalusot kaso hanapan ko ng cover ayus lang hanap ako mabuti na lang madami mabait na pumayag at napatunayan ko na MABAIT pala ako.
        MARAMING SALAMAT PO
  PALAWAN astig eto na kami mapupuntahan ko na din to 


 ang UNDERGROUND RIVER na napabilang kelan lang sa New 7 Wonders of Nature na muntik ng di mapuntahan dahil dami na naka book suwerte pa din pala kami kahit papano masisilip namin yan sa 4 na araw naming bakasyon. at eto pa makikita ko na din mga to 

 ewan ko kung san yan Honda Bay ata yan (eh di ko talaga alam eh eheh) pati dito puntahan namin ang sikat na Baker's Hill
 at madami pang iba hay pahinga at last hehe...
   Kaya sa susunod na lang ang mga ibang detalye sa bisita namin sa Palawan hehe... astig






Kapag gusto mo makiinom ng dalawang beses


sipsip tawag dun.



Sabado, Pebrero 4, 2012

ROTTEN

“Behold . . . the greatest cover-up in human history."

 Yan ang nabangit sa DA VINCI CODE isa mga librong binasa ko at pinanuod di sa sine kundi sa suki kong bilihan ng mga hottest and the latest movies and musics ang  M1 (muslim one)pwede ka pa magrequest at kahit mga lumang pelikula meron sila pati mga zarsuela meron sila ganun sila ka astig hehe...
  Kung nabasa nyo yung libro nasa ganitong scenario yan eh pinakikita ni Sir Leigh Teabing kay Ms Sophie Nevue kasama din dun si Mr Robert Langdon ang one of the greatest masterpiece ni Leonardo da Vinci ang Last Supper... Dahil dyan na stuck ang buong mundo sa librong yan na sina Mary Magdelene at Papa Jesus ay mag ASAWA at may ANAK
  Iba't ibang debate at fact finding team ang nabuo para maghanap kung totoo nga ang nasa librong ito at syempre unang nagalit ang mga HOLY ang mga taga SIMBAHAN pati SENADO nakisabay dyan hehe baka may anumalya daw dyan at baka may maimpeach para may masabi lang na may ginagawa sila sa pwesto nila gang sa matabunan na ng bagong issues sa bayan at gawa uli ng isa pang committee para dun ayun ubos kaban ng bayan hehe
  Pero ibang mundo yan mundo sa labas yan OO isang malaking HISTORICAL EVENT yan pero mababago ba buhay mo dyan mababago ba kapalaran mo dyan sa tingin ko hindi...
  Sabi nga nila lahat ay puwedeng maging pelikula sa araw araw kung puwede nga lang eh i video lahat ng nangyayari sa buhay eh pwede lahat kahit yung mga biglaang may mag OUTBURST biglang MANUNUMPA sa mga kasamahan mo o kung kanino mang level yan... May action scene na tayo astig...
   Kung gusto mo naman ng may pag ka SUSPENSE o yung may pag ka DETECTIVE O mga medyo CONSPICUOUS O malupet na gagamit ka ng utak dahil sa TWIST OF EVENTS di ka  makakain ng popcorn pati pag kurap di mo magawa dahil sa konting sandali madami mawawala  

  " BLINK AND YOU MISS A BEAT" 

  Sayang di ko naidokumento o nakuhanan ang isang cover up stories na nawitness ko yung may malaking issue na nangyayari biglang may pumasok ang isa pang mas MALAKING issue na lahat ng tao ay di mapalampas dahil sangkot ako dun (di ako binigyan ng pera para sa pingpaguran ko hehe BITTER daw ako/kami dahil nagpagod kami) eh bigla ako napakurap dahil sakit ng ulo ko dahil wala ako budget eh dami ko bills sinabihan pa kami na BITTER sa suweldo ayun may pumutok na issue sobrang lupet bigla ako gininaw at napamura astig talaga hehe
  Parang yung maiimpeach si GLORIA laking issue nyan dahil ZTE SCANDAL at madami pang iba pagtagal may lumabas na MAGUINDANAO MASSACRE O anung storya ang pumalit dun hehe daming SACRIFICIAL LAMBS para mamatay ang issue na yun hehe...
  Pag kriminal ka pag mainit ka sa mga mata ng batas kailangan mo magpalamig muna bago gumawa ng krimen o lilipat ng ibang lugar mga ganung istorya baga...

  Kung galit tayo sa chismis dalawa lang yan;

     UNA dahil sa may basehan ang kumakalat na chismis at maraming nakakita at nakaramdam baga REAL FACTS to boy hehe ung parang si GRACE LEE at Pnoy

     PANGALAWA sadyang galit lang ang taong gumawa nun parang patay na daw lahat ng MOFFATTS o babae talaga si NICK CARTER yun... 

  Nagagalit tayo sa CHISMIS eh dahil totoo, panindigan mo na lang di yung bigla ka manunumpa sa ibang tao na yung iba wala kinalaman hehe kung ganun ang nangyari na pinanindigan mo eh sana wala ng batuhan ng kung ano pa na gagawa pa ng BOGUS ACCOUNT para MANIRA ng patalikod o kung sino man gumawa nun...
  Minsan nga naisip ko mag hanap ng mag ORGANIZE ng PROFESSIONALISM seminar para sa mga nasa taas minsan nakakalimot na natin yun eh. Parang lumalabas na mataas ako kaya ko magsalita ng masama laban sa inyo... Di ako PSYCHOLOGIST o anuman pero siguro may mga taong na BULLY siguro nung bata kaya yung iba nakaakyat lang ng 3rd floor nag HARI-HARIAN na.
  Nakapanuod ako nyan sa MEL and JOEY buti na lang walang mababang isip ang pumatol sa babaeng yun na suntukin o patulan kahit na bully na sya dahil mga tao dun ay PROPESYONAL
  O parang sa TULFO BROTHERS, BASTOS ang mga BUNGANGA kala mo wala silang anomalyang ginawa o kung anuman.
  Akala ko nagkamali ako sa mga naisip ko sa mga nang yari. ulitin ko DI MASAMA LOOB ko dahil di ako nakuha at sabi ko makikilaro lang ako. Napaisip lang ako kasi daming nilokong tao dahil masyadong magulo walang sistema ang nangyari marami din siguro umasa sa mga SANGKOT pero WALA kung ano ang nasa TAGNA yan ang sundin parang sa AMAYA lang hehe... 
  At dun sa nilalaman ng tagna ang taong may MISYON marami ang nag hahangad nyan sa POSISYONG iyan at pwedeng masabing mas kasing HUSAY o MAS MAHUSAY pa sayo patunayan mo na lang na ang UTOT ay wag umakyat sa ulo para COOL tayo lahat. Wag agad mag POWER TRIP o MAGPASIKAT sa taong yong hahawakan katulad ng nakilala na agad ang KULAY hehe...
  Teka ano kaya ang susunod na kabanata yan ang ABANGAN natin!!!
Kaya enjoy lang sa PALABAS siguradong MASAYA ito at wala itong PIRATANG KOPYA!




Situation baffles me
I guess it's true you too are one of the walking dead