Lunes, Oktubre 15, 2012

Mahaba at mabagal na pila, abala ang nasa isip ng iba



Mahaba at mabagal na pila, abala ang nasa isip ng iba

  Ano ba ang pagiging "solemn" o mataimtim? Paano ba ito gawin? Kelangan ba mabagal at tahimik at bawal ba maging mabilis ang pagiging mataimtim hmmm...

  Syempre nakatulog nanaman ako sa jeep nung lumabas kami ng aking pamilya sa aming lungga upang magliwaliw sa kaparangan at syudad.

  Hindi ko masabing usad pagong tingin ko mas mabagal pa sa pagong ang andar ng pila ng sasakyan. Andar na per inch ata ang standard at pumasa at may ISO certificate at konti nalang pasok na sa Guinness Book of Records sa sobrang bagal ng pila. Lahat ata kami sa loob ng jeep eh tumulo na laway sa bagal.

  Hanep talaga pag napa tyempo ka ng ganitong pagkakataon. Lahat maisusumpa mo pati sa nag pa-uso ng karimarimarim na seremonyas. Kahit ako kasumpa-sumpa naman talaga lalo na pag nagmamadali ka yun pati alikabok isusumpa yung mga walang kinalaman sa pila eh nadadamay sa silakbo at alab ng iyong damdamin minsan pati hilab ng tiyan mo ay papatayin ka dahil parang sinisisi ka ng tiyan mo sa kabagalan na na-experience mo pag nagkataon puwet mo na ang magmumura at ayaw mo mangyari yun at ayaw ko din yun.

  Sabagay bigyan na natin respeto ang mga nasa unahan dahil yun ang gusto nila eh wag na natin basagin ang trip nila. Trip nilang umandar ng napaka bagal sa tirik na kainitan at maalikabok na daan malamang alam na natin ang amoy nun pag dating nila sa main hall.

  Naisip ko di ba puwede na mabilis ang phasing ng tradisyon na yan para walang maabala kasi tingin ko ano pa point ng pagiging mabagal kung hihiwalay din naman sila ng tirahan. Sa mabagal na andar na yun ay lalo lang pinahihirapan nila ang kanilang sarili na pagtanggap na lilipat na ng tirahan ang kanilang pinakamamahal tsaka dapat eh matuwa sila dahil tumagal sila ng ganung katagal ang masama eh yung bata pa lang eh humiwalay na agad masakit talaga yun.

  Minsan pag lumipat na ang mga kamag anak natin eh dun natin maalala ang kanilang ginawa masama o maganda ang oras na paguusap natin sa kanila eh bat nung dun pa sila nakatira eh minsan sinusumpa mo na sila hehe

  Napaisip naman ako na sa nangyari kay Sec Robredo eh yung ibang politiko eh hilingin na ganun din ang mangyari sa kanila para bayani ang maging tingin sa kanila ng tao. 




    PATAY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento